CHAPTER 13 [Near!]

1.2K 64 5
                                        

                  

CHAPTER 13 [Near!]

(ACE'S POV)

"Ace?"

Kilala nya ako?

"Kailangan natin mag usap" sabi ng isang lalaki. Biglang may humugot sa kanya mula sa likuran nya.

Isang lalaking blonde ang buhok. Sa kilos pa lang nito at sa boses. Wala na akong duda, Si Cress nga ito.

"s-sandali"

Umalis na sila ng tuluyan. Hindi na ako nagpatuloy sa pagsasayaw. Bigla kasi akong nawalan ng gana.

Nagkusa na yung mga paa ko na sundan yung dalawa pero hindi pa nga ako nakakapunta sa lugar na kinaroroonan nila ng may pumigil sa akin.

"Hey! Ace nandito ka rin pala... what a coincident?!" Hindi nito makapaniwalang pagsabi. Hindi ko sya naaninag ng maayos pero habang palapit na palapit ito sa kinatatayuan ko unti unti kong nasisilayang yung mukha nya.

O_O

"Janine?? What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Si Janine yung babaeng tinutukoy ko na ipinakilala sa akin ni Lolo. Sa totoo lang walang kaalam alam ang mga magulang ko sa nangyayare ngayon. Nasa malayo sila para magbakasyon. Nung una si Papa na mismo ang nagimbita sa akin para ma inspect ang company. Pero ang hindi namin alam na may ginawa na pala ang lolo ko. Hindi sila nagkakasundo ni Papa pero dahil kailangan kaya napagdesisyon ni Papa na papuntahin ako kay Lolo. Sa totoo lang nadamay lang ako sa away nila. Ang malala... Si Lolo na ang humawak sa buhay ko simula nun.

Kontrolado nya lahat... Kinuha nya yung cellphone ko, hindi lang yun! Kinuha pa nya yung transcript of records ko sa school na papasukan ko tapos in-enroll ako sa ibang school. Haist! Hindi ko alam kung paano ako nagkaroon ng kamaganak na kawangis ni Lucifer. Mababait naman kaming lahat sya lang ang ubod ng sama.

Ginulo nya yung buhay ko ng sobra kaya nagdesisyon na ako magisa na tumakas sa kamay ni Lolo at sa babaeng si Janine. Kinuha ko yung mga papel ko sa kasalukuyan kong school para mag aral kung saan talaga ako dapat, doon sa lugar kung na saan si Trinity. Inaayos ko na yung mga requirements para makatransfered sa school nila Trinity.

Siguro mga ilang araw mula ngayon makakapasok na ako roon. Alam kong tampo na tampo na sa akin si Trinity. ^_^ Kaya nga siguro hindi ko pa sya nakikita. Pero sa ngayon kailangan ko munang harapin itong taong nasa harap ko.

"I was invited here and hindi ko inaasahan na ang taong  hinahanap namin ay dito ko lang pala makikita" nakangiti nyang sabi sa akin.

"Ang saya mo ata. Naka jackpot ka??"

"Sa tingin ko...  pero alam mo Ace. Napagalit mo ng sobra yung Lolo mo... and if nalaman nya na nandito ka and I'm sure na dahil yan sa girlfriend mo tiyak na idadamay nya sya"

"Subukan mong mag sumbong!" galit kong sabi rito.

"Haha! Lalo kang nagiging cute kapag galit ka. Don't be worried, ayoko naman na lagi lang nalulungkot. Gusto ko lang mag negotiate sa'yo"

"Pinaganda mo lang yung word na blackmail, Janine"

"Okay yan ang sabi mo eh!? And here's my condition. Hindi ko sasabihin sa Lolo mo kung nasaan ka... Kung ipapakilala mo kong girlfriend mo and act like a real ones."

"Nagpapatawa ka ba? Tingin ko nahihibang ka na! Naririnig mo ba yung mga pinagsasabi mo... desperada ka na nga talaga" pikon kong sabi rito.

"say what you want to say!? Ang akin lang, give and take lang tayo rito..."

[BOOK 2] Chasing Ms. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon