CHAPTER 37 [Graduate]
Dahan dahan ko syang inaalalayan habang pababa ng hagdan. Kung saan nag aabang si Ryler, siya yung unang sasayaw kasama sya. Nakauniporme kaming lahat na kaibigan nya at nakapambahay naman yung kuya nya.
"Ano to?" tanong nya at naguguluhan sa nangyayare.
Napatingin sya sa paligid. Punong puno kasi ng mga naglulutangang lobo ang kisame na halos takpan na ito. Tanging ilaw lang namin ay yung mga nakasinding kandila sa paligid.
"Huminto ba yung oras at panahon sa kwarto mo?" tanong ko rito at napakamot ng ulo. Ayan inaaway ko na naman sya! Pinigilan ko ang sarili kong mang asar. Birthday nya oy! Birthday nya! "Um... Sorry na agad! Happy 18th birthday"
"Birthday ko?" tanong pa nya sa akin sabay turo sa sarili nya. Nagumpisa ng tumunog ang tugtog.
Hawakan mo ang kamay ko ng napaka higpit,
Pakinggan mo ang tinig ko, oh hindi mo ba pansin?
Kinuha na sya sa akin ni Ryler. Habang kaming magkakasama ay nakatitig lang sa kanilang dalawa habang nag sasayaw. Ibinigay ni Ryler ang isang puting rosas.
Na ikaw at ako Uh oh Uh wooh,
Tayo'y pinagtagpo.
"Ayokong mag pick up nanunuod kasi si Agi" agad na sabi ni Ryler kay Trinity. Nagumpisa na ang lahat na tumawa pati si Agi natawa rin. "Una sa lahat thank you kasi simula't sapul hindi ka naging mabait sa akin na tanggap ko naman. Alam ko na nung una nagustuhan kita alam mo kasi may hindi talaga kaming maipaliwanag kung bakit? basta... basta basta ka na lang sumulpot sa isip ko nun eh. Pero siguro nga't nung nauntog ako roon ko nakilala si Agi. Maraming salamat kung hindi rin dahil sa'yo hindi magiging kami. Atsaka yung regalong ibibigay ko sa'yo next week na lang wala pa akong pera ngayon!"
Ikaw at ako Uh oh uh wooh,
'di na muli magkakalayo
"=_= Sanay na ko! Next week magkaka amnesia ka." Sagot ni Trinity at kinuha yung bulaklak na iniabot ni Ryler. Pabulong bulong na lumapit si Ryler sa amin na nakatayo sa gilid. "Pwede naman hindi sabihin eh! Sasabihin pa?! napahiya tuloy ako" bulong nya.
Sa tuwing kasama kita ah,
Wala nang kulang pa,
Sumunod si Andrey. Nung makita pa alng ni Trinity si Andrey napalapit sa kanya umupo na ito. Kaya patakbong nilapitan sya ni Andrey.
Mahal na mahal ka talaga ah,
Tayo ay iisa,
"Touch ka ba sa akin? Ang sweet ko no?" tanong ni Andrey.
"( =_=) Kaya nga ako napaupo eh. Talagang isasayaw mo ko?" Tanong ni Trinity. Inalalayan ni Andrey si Trinity para tumayo at nakipagsayaw din ditto.
Ikaw at ako Uh oh uh wooh,
Tayo'y pinagtagpo
"Aarte pa eh!" sagot ni Andrey at nilakihan ko sya ng mata ng mapansin nya ako kaagad syang ngumiti sa harap ni Trinity. "Oh? Kusang loob ko to huy! Ang tagal momng hindi nagpakita sa amin tapos nung si Cress na ang kumausap sa'yo labas ka agad! Pa princess ka pa! Hehehehe! Hwag mo ng isipin yung reklamo ko. Anyway nung nalaman kong lahat isasama nila tapos ako lang hindi nainis ako kaya kusang loob akong nagvolunteer. Oh di ba ang bait ko?"
Ikaw at ako uh oh uh wooh,
'di na muli magkakalayo.
"Ano? Luluhod pa ako sa'yo?" asar na sabi ni Trinity. Kaagad naman ibinigay ni Andrey yung bulaklak. "pero salamat pa rin"
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?
![[BOOK 2] Chasing Ms. Snob](https://img.wattpad.com/cover/70660177-64-k852525.jpg)