CHAPTER 17 [Try and try]

1.1K 52 1
                                        

CHAPTER 17 [Try and try]

(TRINITY'S POV)

Hindi ko na papatagalin. Para sa akin naging sobrang bilis ang tatlong araw para dun. Kaya ngayon na nag start na naman ang regular classes. Tutuparin ko na kung ano yung sinabi ko...

=___=

"Kyahhh! Sino sya???" tanong mga kaklase ko sa isa't isa.

"OhMay! Ohmay! Ohmay! Trinity! Totoo ba??" tanong sa akin ni Agi sabay tingin sa paligid. Nung nahagip nya ng mata nya ang mukha ni Ace kaagad itong lumapit sa akin. "WOAH! Si Ace! Trinity!!!!"

Sa sobrang lakas ni Agi gulat na gulat akong hinila nya at iniharap kay Ace. Ano ba tong babaeng to!?

"Ummm... =_= Hi pala" bulong ko sa kanya. Hindi nga ako kumikibo at nagsasa walang paki na nga lang sa presensya nya tapos inilapit pa ako ni Agi rito.

"Hi!!!! ^___^" animong parang asong sabi ni Ace.

"Anong Hi!? Yun lang?? Huy ayan si Ace Trinity?? Wala kang sasabihin? Akala ko ba sasambunutan mo si Ace pag nakita mo?" pagtataka ni Agi sa reaksyon naming dalawa.

"Agi! Tigilan mo nga ang pagkulit sa mga yan" saway ng kadarating pa lang na si Ryler. Seryosong seryoso itong nagtungo sa pwesto namin. "Bitawan mo sya Agi" dugtong ni Ryler at inilayo ako sa lugar kung nasan nakaupo si Ace.

Galit sa akin si Ryler ramdam ko yun.

"huy Ace!? Kumusta na" nakangiting bati ni Ryler kay. Mukhang alam na ni Ryler ang nangyare. Nagusap silang dalawa habang ako naman ay umalis na sa pwesto ko at bumalik sa upuan.

"Anong nangyare doon?" tanong ni Apple sa akin. Tinutukoy nya ay yung nangyare kanina.

"Wala yun... parang habulan lang, kampihan" sagot ko sa kanya. Naguluhan naman sya sa sinabi ko may pagkalogic kasi yun.

"Nagkaproblema ba kayo? Dahil ba kay Cress yan?" galit na sabi ni Apple parang makakamurder ata sya sa galit.

"Wala naman siyang kinalaman dito Apple."

"talaga? Eh bakit ganon yung tungo sa'yo ni Ryler? Hindi naman kayo ganyan datti eh"

"Wala ka na ring kinalaman doon Apple"

"Naman eh!? Curious lang" asar na sabi nya napakamot ito ng ulo at napatingin sa pintuan na saktong pasok ni Cress. Nung napansin nya si Ace sa room kaagad syang sumugod dito. "Hey Cress!!!"

Teka?!

"hoy Ace!" sabi ni Cress. "Ba't aga mo naming pumasok? Ayaw mo bang magpaspecial entrance kay Ma'am mamaya?"

"Kailangan pa ba nun?" tanong ni Ace.

"Ikaw? Kung gusto mo lang"

"Hwag na! Oo nga pala... lilipat na ako ng dorm sa makalawa" paalam ni Ace rito.

"Good"

"Kila Ryler na ako titira. Mag enjoy ka na"

"Tsaka na kapag wala ka na talaga doon magpapaparty ako" sabi ni Cress at bumalik na sa upuan nya.

Hindi ko alam yung pinagusapan nila. Hindi ko rin naiintindihan kung nag aaway ba sila o naguusap ng maayos?

"Wait! Cress and Ace?!" nagtatakang tanong ni Agi sa kanilang dalawa. Lumapit it okay Cress at parang may tiningnan sa mukha nito. "May pasa kayo sa pisngi partida parehas pa kayong dalawa. Anong nangyare?"

[BOOK 2] Chasing Ms. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon