CHAPTER 30 [Bitterness 2]
(TRINITY'S POV)
Kinabukasan.
Nagising na lang ako na parang wala ako sa katawan ko. Hanggang sa napansin ko na lang na kanina pa pala ako nakatulala sa orasan na tumutunog.
"HOY!!! Kanina pa ako nakatingin sa'yo! Para kang sira dyan na nakatulala! Halos isang oras na nag aalarm yang alarm clock mo. Hwag mong hintaying matunaw yan ng titig mo" reklamo ni Kuya nakatingin sa akin mula sa pintuan. Saka lang bumalik yung diwa ko at napakusot ng mata.
Ang dami namang sinabi ni Kuya Troy. Natulala lang ako naka ilang sentences na sya. Napansin ni Kuya yung mga nakakalat na gamit at umaapaw na basurahan sa kwarto ko. Lumapit sya para tingnan yung mga papel na nasa basurahan.
"Hwag mo ngang pakialaman yan!" reklamo ko rito at napangiti lang ito sa akin. Hindi nya mapigilan yung tawa nya sa sitwasyon ko.
"Seriously? Ngayon lang kita nakitang nagkakaganyan! Anong ginawa mo sa mga sulat at gamit na ibinigay ni Ace sa'yo?" tanong nya. Nakita nya kasi yung slambook at punit punit na mga sulat sa umaapaw kong basurahan.
"Kailan ka pa nagkainteresado sa mga basura na yan!"
[Hindi ako bitter stage: Yung tipong halos itapon at ipamigay nila yung mga bagay o sulat na ibinigay sa kanila. Ito yung puntong itinatapon nila ito para makalimutan na nila yung tao.Naniniwala kasi sila na mas madaling mag move on kung wala sila ng kung anong bagay na magpapaalala sa kanila tungkol sa past.]
"Wow! Basura na pala yung dating kinaingatingatan mo?" sabi nya at kinuha yung kwintas na ibinigay ni Ace sa akin bago sya umalis. Nakalapag lang yun sa study table ko. "Oh? Anong ginagawa ng basurang to rito!"
Pansin nya at tiningnang mabuti yung kwintas. Sumulyap ng tingin ito sa akin tapos ngumiti. Yung ibabato na nya ito kaagad ko syang pinigilan.
"KUYA!!!!!!!!" sigaw ko.
"Sino? Sinong kuya?" loko nitong biro sa akin. "Wow naman! Nilalagnat ka ba Trinity? Tinawag mo kong Kuya?"
"Umalis ka na nga!!!"
"Bigay ni Ace to no!"
"Oo!! Itatapon ko na rin yan mamaya lang!"
"Bakit mamaya pa? Itapon mo na! Bukas naman yung bintana mo oh!? Ihahagis mo na lang ipapabukas mo pa ba?" tanong nito na halata namang pinagtitripan lang ako nito. "Nakita kita kagabi sa bakuran! Akala ko nagsiga ka na ng mga tuyong dahon... yun pala sinusunog mo yung photo album nyo at yung mga teddy bears na bigay nya. Bakit di mo na lang ipamigay yun sa mga bata? Sayang yun"
"Nasunog ko na!? ano pa ba ang magagawa ko? Atsaka malulungkot yung mga teddy bears na yun. Ayoko roon! Masaya na ko!!!" sigaw ko rito.
"May masaya bang galit?"
"Kuya! Umalis ka na nga!? Papasok pa ko!" inis kong sabi at itinulak sya palabas ng kwarto.
"Ok! Ok! Ok! Halata na... halata ko na... Ang bitter mo Trinity. Stop it" payo nito.
"Hindi ako bitter!"
[Hindi ako bitter stage: May pagkakataon na itatanggi pa nila na bitter sila! Kaya nga tinatawag ko tong 'HINDI AKO BITTER' STAGE eh kasi karamihan sa Ampalaya hindi talaga aamin!]
"Okay fine... Aanuhin ko tong kwintas?"
"Ibigay mo kay Ate Andrea ng makatulong!"
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?
![[BOOK 2] Chasing Ms. Snob](https://img.wattpad.com/cover/70660177-64-k852525.jpg)