CHAPTER 4 [I don't like!?]

1.6K 68 1
                                        

                 

CHAPTER 4 [I don't like!?]

(TRINITY'S POV)

Nanghihina akong bumalik sa room. =_= Matapos akong kausapin ni Ma'am. Nasaktuhan naman na may kailangan syang gawin kaya sa akin pinasa. Wala akong kaide-ideya sa Cress na yun?

Ang masama pa. Kailangan ko pang lapitan si Andrey the chickboy. =_= Inaway ko nga yun tapos lalapitan ko pa?

Yung kwintas ko pa! Nandoon sa lalaking ewan na blonde ang buhok.

Nakakainis sa sobrang ka iritahan ko. Napasambunot ako sa sarili ko. =_= Wala na bang mamalas sa naging araw ko ngayon. Simula nung lumipat ako at umalis si Ace. Naka stick glue na sa akin ang kamalasan ng mundo.

*KRIIIING~  

Biglang may tumawag sa cp ko.

Ace Kulit calling...

"Buti napatawag ka... =_=" mapabuntong hininga ko sa kanya. "Alam mo kasi..."

"Ano?"

Napalinga ako sa taong nagsalita. Yung taong kasunuran ko lang maglakad pababa sa hagdan.

O__O

"IKAW!!!" pasigaw kong sabi. "Ba't ka nandito? Ha?!"

"Uy! Wala lang... may kailangan lang akong gawin para sa mga kaibigan ko. Don't worry. Wala kang kinalaman dun."

Kaibigan ha? =_=

Naka uniform din sya ng gaya ng akin. Hindi na ako nagtaka. Ngayon ko lang sya nasalubong rito!

(Ha??? Sinong Ikaw??) tanong ni Ace sa kabilang linya. (May kasama ka ba?)

Hindi pa rin ako makapagsalita =___= Kaharap ko kasi ngayon yung lalaking blonde ang hair.

Kaagad kong tinakpan yung speaker ng phone ko.

"...kaya Easy lang... wala pa naman akong ipapagawa sa iyo" sabi nung lalaking yun.

"Parang susunod naman ako sa'yo??"

"Susunod ka talaga!" sabi nya at may kinuha sya sa bulsa nya. Yun yung kwintas na ibinigay sa akin ni Ace. Sinuot nya iyon sa kanyang leeg. "Anyways, hwag kang mag alala. Hindi ko kailangan ng serbisyo mo ngayon. Kaya sige ituloy mo lang tawag mo sa boyfriend mo ah"

Aba =_= Nakangiti pa sya sa lagay na to! Tuwang tuwa siguro ito sa kaligayahan.

"Makukuha ko rin yan =_= Kaya enjoyin mo na yung araw hangga't na sa'yo pa yan" sabi ko rito. Naglakad lang sya palayo. Inayos ko ang phone ko at idinikit ito sa tenga ko.

(HOY!! TRINITY!!!!)

"Uy! Bakit ba??? =__=" pabulong kong sagot rito.

(Anong bakit? May kausap ka kanina no? =_=)

"Sino pa kaya. Edi ikaw!" sabi ko rito.

(Inaway ka ba nun??)

"Nakikipag suntukan ka ba sa akin? =___="

(Hindi ko naman tinutukoy yung sarili ko eh! -_-)

"Ba't ka ba napatawag ah!?"'

(Kasi... Sorry na Trinity!!!)

"Ilang beses ka ba magsosorry sa akin?"

(Hanggang sabihin mo na 'pinapatawad na kita')

"Kahit ugatan ka pa dyan sa lugar mo. Wala kang maririnig sa akin na ganyan =_="

[BOOK 2] Chasing Ms. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon