CHAPTER 5 [Nothing change]
(CRESS' POV)
"Hwag mo syang hahawakan "
Hindi ako makapaniwalang sinabi ko yun sa babaeng to at ano naman ang paki nya sa akin eh ako nga ang kumuha ng kwintas nya.
Pinigilan ko ang kamao nya at piniga ito ng pagkalakaslakas.
"A-AH ARAY KO! CRESS SORRY! SORRY NA!" pagmamakaawa nun. Tinitigan ko sya ng Masama. Hindi ako makapaniwala na kinaibigan ko ang mga taong ito.
"Subukan nyo ulit syang hawakan. Hindi lang yan ang matitikman nyo..." babala ko sa kanila. Dahan dahan nilang pinagkukuha ang mga gamit nila. Pero bago yun. Sinuntok ko muna si Mike. Yung lalaking kasalukuyan kong hawak ang kamay.
"Aray ko naman!" napaupo sya sa sahig at napatingin sa akin ng masama habang pinupunasan nya ang dugo sa gilid ng labi nya. "Cress! Hindi porket hindi kami makalaban ngayon hindi na kami gaganti! Hintayin mo lang... pagbabayaran mo rin ang lahat ng ginawa mo!"
"Sige hihintayin ko na lang kayo..." sabi ko rito at naghalf smile.
"Tara alis muna tayo!" sigaw ni Mike at Umalis sila na tumatakbo sa club house.
Napaupo ako sa sofa at napakamot ng ulo. Kahit kailan wala na akong naging matino na kakampi. Lagi na lang ako magisa.
"hoy! Yung kwintas ko" utos ni Trinity. Hindi pa rin sya umalis sa pwesto nya. Tapos yung mukha nya bumalik pa sa parang robot na attitude.
"Nandito ka pa pala" nakangiti kong sabi rito. Naglakad sya at umupo sa isa pang sofa na nasa harapan ko. "Wala na sila... umalis ka na rin. Kahit anong gawin mo hindi ko sa'yo ibibigay to"
"Sige lang hindi na kita pipilitin pa =_=" sabi nito. Napatingin ako ng deretso sa kanya.
"Susuko ka?" tanong ko rito.
"Wala akong sinasabi na susuko ako =_= Hahayaan na lang kita na ibigay sa akin yan"
"Magagawa mo ba yun?"
"Oo naman =_="
"Ok fine. Good luck na lang sa'yo Trinity" sagot ko sa kanya pero mukhang wala syang balak na umalis sa kinauupuan nya. "May kailangan ka pa?"
"Kakausapin lang kita... =_="
"Ginagawa mo na" tukoy ko rito.
"Alam mo yung mga kaibigan mo na ang mga napakawalang kwentang taong nakilala ko!"
"Yung sinasabi mong mga walang kwentang tao ang laging nandyan sa tabi ko sa lahat ng oras" asar kong sabi rito.
"Wala ka talagang alam no" sabi nya at tumayo na. Ano? Ako pa yung walang alam!
"Nag stay ka ba para asarin lang ako!" sabi ko rito.
"Magkaiba yung taong nasa tabi mo sa taong may paki alam sa'yo. Naiintindihan mo na ba?"
"Tumigil ka na! Wala namang nakakaintindi sa akin!" sagot ko sa kanya. Halata naman siguro nya na galit na galit na ako.
"Walang sino man ang sumubok. Tama?" tanong nya. Napatulala ako sa kanya. Oo tama may pinupunto sya sa mga sinasabi nya.
Parang sinasabi nya na Walang kwenta yung mga taong hinihinayangan ko.
"umalis ka na... baka tuluyan mo pang hindi Makita itong kwintas mo!" pagtataboy ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?
![[BOOK 2] Chasing Ms. Snob](https://img.wattpad.com/cover/70660177-64-k852525.jpg)