CHAPTER 15 [Retreat: Again]
(ACE'S POV)
"Trinity? Ikaw ba yan?" tanong ko uli sa kanya.
Kahit na magkalayo kami ng agwat sa isa't isa. Alam na alam ko na ang boses na yun at ang babae na yun sa mukha at pangangatawan, si Trinity talaga yun.
Bigla akong napangiti at naglakad palapit sa kanya. Na miss ko ng sobra ang girlfriend ko.
"DYAN KA LANG HWAG KANG LALAPIT!" sigaw sa akin ni Trinity. Napahinto ako sa paglalakad palapit sa kanya. Masama itong nakatingin sa akin. "Ba't ka ba nandito ha? Matapos mo akong iwanan basta basta sa ere saka ka na lang magpapakita bigla!"
"Hindi kita iniwan Trinity... Bumalik ako para sa'yo?!" paliwanag ko rito.
"Nagpapatawa ka ba Ace? Binalikan mo pa talaga ako? Inaamag na ako Ace. Hwag na lang!"
"Uminahon ka muna Trinity. Tara mag usap tayo"
"Gusto ko sana kaso sumuko na ako Ace. Gustong gusto kitang Makita para lang sabihin sa'yo na. Bahala ka na!"
"Ha? Anong bahala ka na? Wait Trinity" sabi ko rito habang naglakad sya palayo sa akin. Alam ko na kung saan kakahantungan yung paguusap namin kanina pero hindi ako papayag doon. Baka sakaling malaman nya yung mga dahilan kung bakit hindi ako nakabalik baka magbago pa ang isip nya.
Hindi ito umimik at tumakbo na lang sya.
"WAIT TRINITY! Hindi yan yung daan papuntang camp. Huy!" sigaw ko.
"Wala akong paki! Hwag mo nga akong habulin!"
"Paano hindi kita hahabulin eh tumatakbo ka!"
"Tigilan mo na nga ako!"
"Magusap kasi tayo ng maayos..."
"Bakit hindi pa ba tayo naguusap"
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero kahit na nag aaway na kami habang nag hahabulan. Hindi ko maiwasan ang ngumiti habang kausap sya. Alam na alam kong naiirita na ito at nakukulitan sa akin kasi alam nya na hindi ko sya titigilan hangga't hindi kami nag uusap.
Binilisan ko ang pagtakbo ko. Hanggang sa nasa likuran na nya ako. Ang bagal nyang tumatakbo.
"Tumigil ka muna!" sabi ko sa kanya hinawakan ko ng mahigpit ang braso nya.
"AHHHH!" sigaw ni Trinity pagka isang hakbang nya mula sa kinatatayuan namin kaagad syang lumubog at nahila ako roon.
Ano to bangin???
Sa paghulog naming dalawa kaagad ko syang niyakap para hindi sya masaktan. Bumagsak kami sa may bato batong sahig. Mali ata ang bagsak ng braso at tadyang ko sa nangyare
"Kahit anong sabihin mo Trinity... I still love you" sabi ko sa kanya bago nandilim ang paningin ko. Hindi ko alam ang nangyare sa kanya pero ramdam ko na naka secure sya sa braso ko.
(CRESS' POV)
Nilalamig tuloy ako. Sa totoo lang kanina pa masama ang pakiramdam ko eh?! Ang kaso lumala ata ngayon. Paano ba naman... Nung natapunan si Ace ng Kape dali dali nyang kinuha yung jacket ko para raw takpan yung mantya. Ang tamad mag bihis.
Hindi kalaunan sa paglalakad namin nasalubong namin yung isang grupo ng mga babae. Kaya napagdisisyonnan ng dalawang leader na magsabay na kaming lahat sa pag akyat.
"HahaXD Naks!!! May babae rin tayong nakita!"
"Oo nga! Tara na samahan na natin sila!"
BINABASA MO ANG
[BOOK 2] Chasing Ms. Snob
RomanceA life na naging sila na. Sa paglayo ni Ace kay Trinity, maraming mga bagay ang sumubok sa pag iibigan nila. Love conquers all. Mapagumpayan kaya nila ang mga pagsubok sa relasyon nila?
![[BOOK 2] Chasing Ms. Snob](https://img.wattpad.com/cover/70660177-64-k852525.jpg)