CHAPTER 23 [Stop]

871 44 2
                                    

CHAPTER 23 [Stop]

(TRINITY'S POV)

"TULONG!!!!" sigaw ko ng ma corner nya ako. "BALIW KA NA JANINE! TIGILAN MO NA TO?"

"Wala kang mahihingan ng tulong dito Trinity. Halos lahat sila nagla lunch" sabi ni Janine at bumitaw ng nakakatakot na titig.

Nakangiti pa syang nakatingin sa akin habang nakatutok sa akin yung cutter. Nang bigla akong napapikit hinintay ko na dumampi ang cutter sa balat ko.

"A-ARAY!"

O_O Bigla akong napadilat. Bakit ganon? Hindi ako nasaktan. Nakita ko na lang si Janine na nakaupo at may hiwa banda sa binti nya.

"OH MY GOSH! Janine! What are you doing!?" tanong ko rito at tiningnan ko kung ayus lang sya. "Sinugatan mo ba yung sarili mo?"

"Hahahahaha... Y-Yeah, Then ito ang magiging role mo" sabi nya. Kinuha nya yung palad ko at inilagay ang cutter na may dugo.

"W-What's this?" gulat kong sabi at manginig nginig pa ang kamay ko habang hawak yung cutter.

"Ikaw ang lalabas na sumugat sa akin. Sh*t! Ang sakit!?" sabi ni Janine at napahawak sa binti nya.

"HUH? HIBANG KA NA BA???" gulat ko na tanong. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nalilito ako kung uunahin ko muna ba ang galit o tutulungan ko na lang muna sya.

Habang nagkalat yung dugo ni Janine sa sahig.

"OUCH! Tumawag ka ng tulong! Trinity?!" pagmamakaawa ni Janine. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ano bang nangyare sa babaeng to?! "Listen Trinity... Kapag sumakay ka sa plano ko. Hinding hindi malalaman ng Lolo nya ang lugar kung nasaan si Ace pero kung magsabi ka at nilaglag mo ako. Hindi ko lang alam kung makikita mo pa sya! Ouch!"

"What the h*ck!? Janine sa lagay mo na yan... ayan pa rin yung pinapairal mo?? I can't believe this!" sabi ko rito. Tumayo ako at sinubukang buksan ang pinto ng hindi ko ito maitulak. "hala! Na stock tayo!?"

"Tinatakot mo ba ako Trinity?! Bilis!? Ang sakit na talaga" sabi ni Janine.

"TULONG!! NA STOCK KAMI! PLEASE TULONG!!!" sigaw ko mula sa na stock na pinto ng may narinig akong isang tao na kumatok para pakinggan kami sa loob.

"Anong nangyare dyan?" sabi ng Matandang boses.

"SIR!? PLEASE TULUNGAN NYO PO KAMI! MASAMA NA PO YUNG LAGAY NA KASAMA KO DITO!? NA STOCK PO KAMI!" paliwanag ko rito.

"S-SANDALI!? LUMAYO KAYO SA PINTO" sigaw ng matanda.

Kaagad akong lumayo at pinuntahan si Janine. Namimilipit ito sa sakit. Ano bang pumasok sa kokote ng taong to?! Halos namutla na sya dahil sa dugong nawala sa kanya. Kaagad din anmang nabuksan ang pinto.

Unang pumasok si Ace.

"Trinity?" tawag nya sa akin na nagtatanong na kung ano ang nangyare. Hindi ako makapagsalita. Pumasok ang matandang lalaki na nakapansin sa amin kanina.

"Buti na lang iho at nakita mo ako kanina. Tulungan mo ako sa babae" sabi ng matanda at tinukoy si Janine.

"W-Wait! Trinity.... Mamili ka" sabi ni Janine. Binuhat sya ni Ace habang kami ng matandang lalaki ay sumunod sa kanya.

(ACE'S POV)

Hindi ko alam ang nangyare pero sa nakita ko. May hiwa si Janine sa binti at hawak ni Trinity ang cutter. Imposible!? Hindi ganon si Trinity. Habang buhat buhat ko si Janine. Agaw pansin kami sa school kaya kaagad na umaksyon ang mga guro atsinamahan kami sa hospital.

[BOOK 2] Chasing Ms. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon