CHAPTER SEVEN

56 1 0
                                    

“KAPAG bumalik talaga ako ng Taiwan hindi ko na pakakawalan iyang si Wu Chun. Talaga bang hindi siya nagpunta? Hindi man lang niya ako inihatid. Parang wala kaming pinagsamahan!” angal ni Adrianna ng inihatid nila ito sa airport. Nasa Taiwan Taoyuan International Airport sila.

“Close na ba kayo?”

“Hindi pa. Sabi niya nga sa akin kahapon wag ko siyang tawagin Chun, Wu Chun daw para sa akin kasi nga hindi kami close.”

“Ah.”

“Parang ayoko nang umalis dito na lang ako. Naiiyak na ako eh. Ni hindi man lang ako nakapag-shopping, kasi si Wu Chun eh…” binigyan diin nito ang pangalan. “Nagpunta lang kami sa lugar na gusto niya. Kaasar talaga ng isang iyon. Ang lupit din! Tapos kung magpakipot grabeh! Parang babae! Binabae yata iyon eh!”

“Ganoon talaga iyon. Napakalalim at tahimik na tao iyon! Wag kang mag-alala susubukan kong ipag-shopping ka ng mga gamit dito. At higit sa lahat susubukan ko rin hingin ang number ni Mr. Mysterious.”

“Talaga?” nagniningning ang mga mata na tanong nito.

“Oo. Pero hindi ako nangangako, susubukan ko lang.”

“Okay na rin iyon.” Niyakap siya nito. “Bye friend, kita kits na lang tayo sa Manila after forty years…”

“Ang tagal naman noon! Four days lang.”

“One day equals to ten years… Bye bye.” Pagkatapos ay kay Danson naman ito yumakap. “Danson, short time lang ang hug ha? Or else Jenna Rose will be jealous.” Pagkasabi niyon lumayo na ito. Ngiti lang ang sagot ni Danson. “Pootik! Ganyan ba kagwapo ang mga Chinese o Taiwanese? Pag hindi ako pinatulan ni Wu Chun tanong mo ng iyang isang iyan kung may kapatid. Papabuntis na lang ako.”

“Baliw ka talaga!”

“Basta lahing matangkad at gwapo! Kung pwede may extra pa, kahit dimples na lang! Anyway, Danson, thanks for the warm welcome here.”

“No problem. Anytime.”

“Thanks. So, paano? Bye bye na.”

“Wag kang magbibigti, hindi pa end of the world.”

“Oo naman.” Pakatapos ay tumalikod na ito. Naghintay muna sila doon at hinintay kung makakaalis na ang eroplano. Nang opisyal na sabihin na nakaalis na saka sila tumayo na siyang nakita nila si Wu Chun na humahangos.

“Chun!” tawag ni Danson dito. Lumapit ito sa kanila at itinukod ang mga kamay sa balikat niya. Humihingal ito. Sa kanya ito na suporta. Inalalayan naman siya ni Danson. Nang mag angat ito ng mukha gahibla ang layo niya rito.

“Hoy! Wala akong balak magkasala sa kaibigan ko!” bulyaw niya dito.

“Huh? I am looking for Adrianna, your friend?”

“Weishenme?”

“Ta nali?” he said ‘where is she?’

“She was already on board and they just announced that the plane had already gone…”

“Gone?”

“Yeah… Gone.”

“Eh, Chun, ni hao ma?” tanong ni Danson.

“Bu zenme hao…” sagot nito na halos ito lang ang makarinig na ang ibig sabihin ay ‘not really.’

“Eh, whey!”  halos sabay na sabi nila ni Danson.

“Hai hao…” ‘I’m fine.’ Sabi nito.

“Are you sure?”

“Yes. Uhhmm… Jenna Rose your friend left her shoes…” ipinakita nito sa kanya ang sapatos na paborito ni Adrianna sa lahat. Napasinghap siya at nanlaki ang mata niya.

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon