Chapter Eight

62 1 0
                                    

“KINAKABAHAN ka ba bukas?”

“Of course!”

“Dapat mag-unwind tayo para hindi ka ma-pressure. Ganoon kasi ang sabi Mommy. Alam mo kapag may exam ako namamasyal kami sa mall. Para hindi daw pressure.”

“Talaga?”

“Oo. Pero wala akong pinagsasabihan.”

“Ah.”

“Punta tayo sa Miramar Entertainment Park, balita ko iyon ang merong IMAX theatre doon.”

“How did you know that?”

“Hindi mo ba alam na matalino itong girlfriend mo? Genius yata ang girlfriend mo. Hindi lang iyon, talented, gifted, smart, intelligent, beautiful, kind. At marami pa! Special yata ako! Pero hindi naman ako abnormal.” Sabi niya at pinisil nito ang ilong niya. “Actually, to be serious nakita ko siya sa internet.”

“Let’s see… Sure, but we go first to a church.”

“Tagal mo ding mag-isip ha? Ah, magdadasal ka para mabawasan iyang kasalanan mo? Okay! Ikaw naman kasi pinagnanasahan mo ako eh, nagkakasala ka tuloy.” Biro niya dito.

“No thanks!” sabi nito na tatawatawa.

“Abah! Sorry ka dahil ako ang girlfriend mo! Uulan yata. Alam mo ba kung ano ang ginagawa ko pag umuulan?”

“No.”

“Nung bata ako tulog lang ako ng tulog. Nung teenager na ako, nangangarap ako na napapaligiran ng member ng gwapong banda ng Fahrenheit.” Biro uli niya dito. Successful naman siya dahil dumilim ang expresyon nito sa mukha. “Joke lang! Ikaw kasi, tinangihan mo ang beauty ko! Nagselos ka tuloy. Tsk…” pumalatak pa siya. “Siyempre joke lang! Ikaw lang iniisip ko, promise. Pero minsan natutukso ako kasi dahil sa kaibigan kong si Adrianna. Lagi niyang sinasabi ‘ang hot naman!’ Siyempre dalaga ako!”

“Oo na.”

“’Wag ka nang magseselos ha?”

“Oo.”

“Danson?”

“Hmmm?”

“May gusto lang akong malaman. Pwede bang magtanong?”

“Kung virgin pa ako ang sagot hindi na. I am a rape victim.” Seryosong sagot nito.

“Yucks! Itatakwil na kitang boyfriend. Ayoko na sa iyo! Kadiri ka! Inosente ako noh! Wala akong alam diyan sa mga sinasabi mo.” Sabi niya at natahimik sandali. “Teka, totoo bang rape victim ka?” seryosong tanong niya at biglang tumawa ito. Pinalo niya ito sa noo. “Anong nakakatawa? Seryoso akong nagtatanong dito… Tapos tatawanan mo ako! Grabe ha?”

“Biro lang… Ito naman. Let’s go?”

“Ayoko na! Ayoko nang sumama sa iyo!”

“Bahala ka… I’m sure maraming babae na gustong sumama sa akin, without effort. Not like with you, I still need torture.” Sabi nito at napaisip siya. Oo nga naman sa gwapo nito. Women ran after him not he ran after woman.

“T-teka sandali lang… Sige sasama na ako…”

“Good.” Pagkatapos ay nagpunta na sila sa isang simbahan. Nagulat siya ng may ikinakasal.

“Hoy! Wag kang pumasok! Nakakahiya. May kinakasal tapos hindi naman tayo kilala pupunta tayo sa special day nila? Ayoko nga!”

“They wouldn’t know. Unless you continue your noise and they will notice us.”

“I’m not, noisy!”

“Fine. Fine.”

“Bakit ba kita sinagot? Asar ha?”

Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon