“Ma’am uuwi na po ako ha?”
“Sige, salamat.”
Nahiga siya sa sofa sa loob ng kanyang dressing room. Binuksan niya ang butones ng polo na suot niya. Naiinitan siya at nahihilo pero nanlalamig. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.
BUMILI siya ng Caramel Cream sa Starbuck upang simulan ulit ang panliligaw kay Jenna. Hindi man niya naintindihan ang huling sinabi nito ay malinaw na maari siya nitong bigyan ng tsansa. Itatanong na lang niya kay Adrianna. O hindi kaya ay kay Serene.
Nakasalubong niya si Serene sa hallway.
“Hi there cutie pie!”
“Ni hao.”
“Para kay Jenna ba yan?”
“Oo.”
“You’re good na with our language. You love Jenna talaga. Nasa dressing room siguro siya, naghahanda pauwi.”
“Okay. Thanks.”
J. Gonzales was written on the door so he assume na yun na ang dressing room ni Jenna. Pagpasok niya nakita niya si Jenna na nakahiga at parang hinang-hina. Napansin pa niyang nakabukas ang polo nito. Umiwas siya ng tingin.
“Jenna…”
“Hmmm…”
“Jenna, can I come in?” he asked. No response so he went inside. “Natutulog ke ba? Or you don’t want to talk to me?”
“Hmm… Danson…”
“Yes, it’s me.”
“Can I… I… want to drink a water.”
“Ah… sure. “
Pero napansin niya ang heavy breathing nito. She’s restless too.
“Are you okay, Jen?”
“Yeah… I guess so.”
Lumapit siya ditto at hinipo ang noo.
“Oh my Jenna! You have a fever!” nataranta na siya at pinangko ito.
SHE felt heaven. She can smell Danson, his scent mixing with his sweat and perfume.
“Bad ba ako?”
“No, you’re not bad.”
“No. Bad ako. Di kita hinayaan i-explain ang sarili mo. Am I hallucinating? Boyfriend ko ba ang kasama ko?”
“Boyfriend?” she can hear a smile in his voice.
“Oo. May boyfriend ako. Dati yun. Meron akong first love. Tapos nung nag break kami ma naging boyfriend ulit ako. Pero parang friend lang ang tingin ko dun sa pangalawa kongboyfriend. Can I sleep? I feel so tired. Feels good to be here… home.”
Isiniksik niya ang muka sa leeg nito at kumapit ng mahipgpit.
“MOM? Anong ginagawa ko dito?”
“Overfatigue at nilalagnat ka. Magdamag ka ngang tulog. Dapat kumain ka na, tanghalian na kasi.”
“Sino nagdala sa akin dito? Kayo?”
“Hindi. Si-“
“Hello girl!” si Adrianna ay pumasok. “Effective ba ang gown? Pero matindi yata ang pagmamahal ni Danson sayo. Akalain mo sinugod ka dito. How are-“
“What? Si Danson ang nagdala sa akin dito?”
“Eh sasabihin ko na nga. Eh umentrada itong si Adrianna. To talagang batang to.”

BINABASA MO ANG
Love Me
RomanceHi guys! This Revised was not literally revised. I just added some sentences and edited some typographical errors. But if there were still some typographical errors pagpasensyahan nyo na lang ha? And at last nadugtungan ko na siya. Enjoy reading...