Few months later…
GRADUATING na siya sa kanyang kurso at tuwang-tuwa siya pati ang Mommy niya ay proud na proud. Nandito siya ngayon sa kanyang school sa Ateneo, clearing all her records para sa graduation niya. Sa PICC Plenary Hall ang lugar ng kanyang graduation. Hindi man siya ga-graduate ng flying colors ay okay lang sa kanila. Natutuwa din siya dahil hindi niya nabigo ang kanyang pamilya, hindi siya nabuntis o nag-asawa ng nag-aaral pa.
Nagi-guilty siya dahil alam niyang hindi na siya… basta ang importante hindi siya nabuntis. Nanalangin siya sa santong mga kilala niya magkaroon lamang siya. Abot-abot ang galit na inabot niya sa Mommy niya ng ma-kidnap siya- no! Pina-kidnap pala siya. Pero hindi na niya sinabi iyon. Tinanggap na lang niya lahat. Isa pang dahilan kung bakit hindi na niya inamin sa Mommy niya iyon ay dahil gusto na rin niyang malimutan ang insidenteng iyon sa Taiwan.
Pinilit niyang magmukhang normal. Mukhang naniniwala naman ang mga taong nasa paligid niya. But she cannot fool herself. Kahit ano pang deny at ipakita niya sa lahat deep inside yun pa rin ang nanalo.
“Ouch!” nabangga ako sa isang bagay at iyon ay nakapagpa-putol sa iniisip ko.
“Oh, sorry.” Sabay kaming napaupo at pinulot ang mga gamit namin. Bigla ay pumatong ang kamay niya sa aking at mabilis kong binawi iyon. Pag-angat ko ng tingin… si Jarrel Romualdez.
“Hello.” Bati nito sa kanya ng nakangiti.
“Hi.”
Jarrel Romualdez is the captain ball of Ateneo’s basketball team. He is popular, he was often seen in UAAP. He’s smart, handsome and kind. Kaya marami an natutuwa sa kanya dahil he’s not just a pretty face.
“Jarrel Romualdez. And you are?…”
“I know… I mean, aherm!” tumikhim siya. “Jenna Rose Gonzales.”
“Hmmm… nice name.”
Naalala tuloy niya ng sinabi din sa kanya ni Danson kung gaano kaganda ang pangalan niya. Pinuri din nito ang pangalan niya. Ang pinagkaiba lang, hindi si Danson ang kaharap niya si Jarrel Romualdez isang sikat na tao din. Ipinilig niya ang ulo para mawala sa isip niya si Danson.
“Anything wrong, Jenna?”
“No I’m fine, Mr. Romualdez.”
“Jarrel would be fine. I hope you don’t mind me calling you Jenna.”
“Yes.”
“Uhhh… sorry about this.”
“No, it’s okay.”
Ngumiti ito sa kanya. Maganda pala talaga ang ngiti nito bagay talaga pang-commercial. Napangiti na rin siya. Tapos ay tumalikod na siya. Hinagip niya ang pulsuhan ko.
“Wait,” pumihit siya paharap dito.
“Bakit?”
“Are you free today? Would you go to have snack with me?”
“Wow! Ang bilis mo din, tsong! No, he can’t like me. Simple lang ako.”
“Bakit?”
“Uhmmm… I want to be friends with you.”
“Hmmm… hanggang friends lang ha? Don’t fall in love with me.” Biro niya dito na may halong totoo.
“Hmmm… let’s see, I can’t promise that, sweetie.” Ganting biro nito. “So, would you join me for snack? Sige ka pag hindi mo ako sinamahan hindi ako kakain, nagugutom pa naman ako.”
“Pakialam ko ba?” biro niya at tumawa. “Okay, sige na nga.”
Sinamahan siya nito sa lalakarin niya for her clearance. He is surprisingly kind and funny. Hindi niya inakala na ganoon ito. Pagkatapos nilang lakarin ay nagpunta na sila sa parking area. Nilagay nito ang bag nito doon.
![](https://img.wattpad.com/cover/680549-288-k128511.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me
عاطفيةHi guys! This Revised was not literally revised. I just added some sentences and edited some typographical errors. But if there were still some typographical errors pagpasensyahan nyo na lang ha? And at last nadugtungan ko na siya. Enjoy reading...