Bestfriend/Kaibigan

706 4 0
                                    

Mahal kong kaibigan,
Salamat dahil ika'y laging nandyan
Sa lahat nang oras na ika'y kailangan,
Lagi mo akong dinadamayan

Ikaw ang nagsisilbing silong sa tag-ulan
Laking pasasalamat dahil di mo iniiwan
Patawad sa aking mga kasalanan
Salamat din sa ating mga pinagsamahan

Aaminin kong ika'y isa sa dahilan,
Kung ba't ako ngayo'y nasa kinatatayuan
Kung hindi dahil sayo'y marahil matagal nang nasagasaan
Nang mga problemang hindi kayang solusyonan

Maraming salamat sa iyo kaibigan!
Pangakong ika'y mamahalin pa't iingatan
Magkalayo man tayo, ikaw pari'y babalikan
Salamat uli dahil ika'y nandyan
Sa tuwing halik at yakap mo'y kailangan.

--

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon