Makati

154 0 0
                                    

Kamusta ang lugar ng Makati?
Itong lugar na ito'y isa sa mga saksi,
Saksi sa aking mga ligaya't ngiti
Noong ako'y nakatira doon dati

Mamimiss ko ang manirahan dito,
Sapagkat dito ko nakilala ang mga mahahalagang tao sa buhay ko
Saya ay hahanap-hanapin,
Ngunit wala akong magagawa kundi ang tanggapin

Lilipat na ako ng paaralan,
Ngunit iyon ay hindi dahilan upang kayo'y aking kalimutan
Mahal na mahal ko kayo kaya akin kayong babalikan,
Batid ko naman na ako'y di ninyo kalilimutan

Bawat lugar sa makati'y mahalaga sakin
Mga ala-ala doon ay aalalahanin
Mga kakilala at kaibigan ko doo'y ayaw kong mawala,
Dahil sila sa aki'y sobrang halaga.

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon