Bestfriend zone xxx

193 3 0
                                    

May mga bagay na pag nasira na'y mahirap nang maibalik pa.

Tulad ng pagsasama,
Kaibigan na minahal mo nang sobra
Nahulog ka sa akalang ika'y sasaluhin niya

Nagkamali ng akala
Ngayon pinagsamaha'y nawala ng parang bula
Alam kong may gusto kang iba
Nagsisisi tuloy kung ba't umamin pa

Masakit man noong una,
Tatanggapin na lamang dahil kaibigan kita
Dumating ang araw na parang di na magkakilala
Dahilan para ako'y umiyak at magdrama

Gusto kong bumalik na tayo sa dating pagsasama
Pagkakagusto sayo'y isasantabi na
Alang-ala sa pagkakaibigan nating dalawa
Ngunit may pag-asa pa nga ba?

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon