Di na kita gusto

1.4K 1 0
                                    

Kamusta iho,
Naaalala mo pa ba yung sinabi mo?
Sinabi mong maghintay ako,
Pero ba't ang dami mong gusto

Akala ko ika'y totoo,
Naniwala sa lahat nang sinabi mo
Ikaw ang lalaking plastik na nakilala ko
Ba't hindi mo nalang iyon sabihin sa harap ko?

Di ako galit sayo
Sadyang ako lang ay nagtatampo
Ba't ba kasi ikaw ang nagustuhan ko?
Isa kang lalaking nagbabalat-kayo.

Minsan ay subukan mong magpakatotoo,
Sayang lang ang iyong itsura't talento
Masasayang lang dahil sa kagagawan mo
Ingat nalang dahil di na kita gusto.

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon