Sorry na

194 0 0
                                    

Kamusta binibini?
Ako'y labis na naakit sa iyong mga ngiti
Noong una saki'y nanggagalaiti
Batid kong sa aki'y nais mong gumanti

Ating unang pagkikita'y tila naging mapait,
Patawad kung ikaw ay aking nagalit
Sana ako'y iyong patawarin
Ngayon ako'y walang ibang hangad kundi ang ika'y patawanin

Alam kong kasalanan ko ito,
Sana nama'y mapatawad mo
Pangakong ika'y di na gagalitin pa,
Gagawin ko rin lahat upang mapasaya kita.

Para sayo ang tula ko,
Patawarin mo na ako
Di ako mapapagod na suyuin ka,
Pagkat puso ko'y nabihag mo na.


^kunwari lalaking author ako hahahaha~ ginamit ko kasi yan sa story ko eh sorry *u*

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon