ATING ISTORYA

81 0 0
                                    

Istorya nating kakaiba
Tila mala-wattpad ang tema
Pag tayo'y magkasama
Madalas imahinasyon ko'y nagana

Sa wattpad madalas mababasa ang tungkol sa bida
Tungkol sa bida kasama na ang "prince charming" niya
Kung ihahalintulad tayo sa kanila,
Marahil ikaw ang prinsipe't ako ang prinsesa

Dito'y marami ring kinahaharap na problema
Ngunit ang wakas ay sila paring dalawa
Gaya natin na nangako sa isa't-isa
Na tayo'y di maghihiwalay at sabay na tatanda

Wakas ng ating istorya'y hindi nakatakda
Pagtatapos ay di maaaring mabasa
Ito'y panghabang buhay na
Wala nang makapipigil pa

Ps: medyo corny, sorry hihi :>

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon