Parang tayo,Pero hindi

183 2 0
                                    

Parang tayo,pero hindi
Ako'y hindi mapakali
Iniisip na ang lahat ay mali
Dahil baka ako'y masaktan sa huli

Mga kilos mo saki'y kakaiba,
Kung titigna'y parang may malisya
Dahilan din para ako'y umasa
Yun pala'y may gusto kang iba

Sabi nang iba parang tayo,
Siguro inakala nila iyon dahil sa kilos mo
Bakit kasi ika'y nagbigay motibo?
Sana'y inisip mo na masasaktan ako.

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon