INTRO

60 0 0
                                    

Intro, ibig sabihin ay simula
Simula kung saan ang mga bagay-bagay ay nagmula
Maaari rin 'tong matawag bilang una
Una kung saan pag naglao'y matatawag na bilang ala-ala

Oo nga pala, ito'y para sa'yo aking sinta
Hinding-hindi ko malilimutan kung saan nag-simula ating istorya
Hindi ba't nangako tayo sa isa't-isa?
Nangako na tayo'y tatandang magkasama

Kapalaran natin tila ba'y akin nang naipinta
Istorya natin akin ng naipasa
Pintig ng puso rin nati'y tila isang kanta
Maaari ring matawag na sayaw pag tayo'y sa tuwina'y masaya

Pagdating ng panahon tayo'y mas magiging isa
Ngunit bago ang lahat tayo'y magtapos muna
Pangarap nati'y tutuparin nating dalawa
Sa hirap man o sa ginhawa.

Ps:  Ang aga umuwi ng ba-be ko :c 7 something, idk why. Wala tuloy akong kasabay kumain. :'<

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon