Pag ika'y nakikita ❤

131 1 0
                                    

Pag ika'y nakikita,
Agad ako'y natutuwa
Pag nakikita ko iyong mata
Pintig nang puso'y nag-iiba

Ba't lagi ay nais masilayan iyong mukha?
Hinahanap pag ika'y nawawala
Pag ikaw nama'y narito ako'y nahihiya
Naguguluhan ako't di maintindihan ang nadarama

Minsa'y nais nalang lumayo at mawala
Yung tipong di kita makikita
Upang sagayon nadarama'y mawala na
Mawala na parang bula.

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon