Hindi na kita bibitawan

112 1 0
                                    

Noong una gusto kitang maging kaibigan
Kaya't ako'y nagpasiyang magtungo sa inyong tahanan
Nakilala kita't nakatawanan
Hanggang mahulog ang loob ko sayo nang tuluyan

Nahulog ako sayong mga mata
At labing tila'y namumula
Narinig kitang kumanta,
Kinantahan mo akong seryoso iyong itsura

Iyong sinabing ako'y di na bibitawan pa
Hinding-hindi na iiwan pa
Ngunit ako'y nangangamba,
Dahil naalala kong iyon ay kanta nga pala.

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon