Makata ✏

130 2 0
                                    

Ako'y isang dalaga,
Dalagang mahilig sumulat ng tula
Nagsimulang magsulat noong bata,
Nasanay hanggang tumanda

Tulad ko'y isang makata,
Mahilig sa malalalim na salita
Kadalasan di'y tagalog ang librong binabasa
Pinagmamalaki sulat ko sa mga kasama

Nilalaman ng mga sulat ko'y kakaiba
Sapagkat nakasaad rito aking nadarama
Mga kadramahan dito'y nakatala
At mga kwentong nais ipaalam sa iba.

tula mula sa aking pusong makata 💓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon