The Siblings

107 5 4
                                    

Chapter 1 . . .

A/N: Yah!! Bago po basahin, RATED SPG po ito sa umpisa (SUPER PAK GANERN).

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Blake's POV

TANG INA!! Isang malutong na TANG INA!! Okay, gawin na natin sampung malulutong na TANG INA!!!

Putek. Ito na ba 'yun?

Goddammit!

Nanginginig ang kamay ko na hawak ang ballpen at notebook dahil sa mga nalalaman kong impormasyon. Ito ay isang importanteng mahalagang impormasyon na nalaman ko ngayon.

Nandito ako sa likod ng malalaking bushes. Halatang nagtatago ako dahil kapansin pansin ang kagwapuhan ko. Bwisit kasi ang atmosphere! Nadedetect ang gwapong DNA ko. Lalo na ang scent ko.

A scent of gwaponess.

Ang scent na iyon ay napakarare! Makikita mo lang iyon sa akin. OO! SA AKIN LAMANG. Huwag kayo kay Blade! Dahil ang bantot bantot niya.

Hehehe peace big brother. Sadyang di ko sinasadya iyon. Patawad.

Okay serious na tayong lahat..

Hanggang ngayon ay hindi nagda digest sa utak ko ang nalaman ko.

Dang it! Ang galing mo talaga. Hindi ko napansin kaagad.

Muli kong tinignan ang notebook na hawak ko.

Assignment notebook ♥

◌⑅⃝●♡⋆♡KAWAII♡⋆♡●⑅◌

Blaire Tomlinson ♥

Tch. Dalaga na.. Isip bata pa rin! Kung sa bagay, mas maganda 'yun para wala pa siyang boyfriend. Nyahahaha!

Ang mahiwagang impormasyon ni 'Gwapo' Blake Tomlinson:
♥♥Cristina malabs♥♥
*favorite food:
Patatas.

Pota. Sa susunod nga, maglalagay ako sa locker niya ang bouquet of patatas.

*Ring~ ring~ ring~ ring~*

Beyblade calling...

Tumatawag si big brother!

"Oh baket?" pabulong kong sabi.

Tch! Baka mahuli pa ako ni malabs ne'to. Lokong beyblade na 'toh!

["Tapos ka na ba sa stalking operation mo?"]

Aba ugok na 'to! May pa operation pa siyang nalalaman. "Hindi ito stalking big brother. May importanteng mahalagang bagay lang. May nasagip nga akong information eh!"

["Oo nga at gamit mo ang assignment notebook ni Blaire."]

Eh sa ito lang ang notebook na nasagip ng aking eyes eh. Anong magagawa ko? "At pano mo naman nasabi na notebook ni Blaire ang gamit ko?" nakataas ang isa kong kilay habang nakanguso. Tsk tsk. Nangbibintang naman si big brother!

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon