Mine

10 0 0
                                    

Chapter 21. . .

No one's POV

Pagkalabas nila sa bar na iyon, dumaretso sila sa kotse ni Laurence. Halos buhatin na ni Laurence si Clarissa sa sobrang pagpipiglas niya.

"Ano ba, Laurence?! Put me down, you idiot!"

Tumigil siya para ibaba si Clarissa at galit na hinarap niya si Clarissa. "WHAT'S WRONG WITH YOU? YOU REALY WANT TO SHOW THEM YOUR BODY, HUH? THAT'S FUCKING INSANE!"

Tila natigilan si Clarissa sa inasta ni Laurence sa kanya. Laurence.. Sabi niya sa isip niya. Matagal na ring nakalipas ang mga panahong magkasama pa sila.

Nakatungo lang si Clarissa habang si Laurence naman ay dumaretso na sa kotse.

Nilingon ni Laurence si Clarissa nang napansin niyang hindi siya sumunod sa kanya. Stubborn girl. Napa-iling na lang siya. "Come on. I'll drive you home." malambing niyang sabi. Wala nang magawa si Clarissa kundi sumakay na lang sa kotse.

Sa isang patagong lugar kung saan may isang taong nakapamulsa habang pinagmamasdan niya ang kotseng papaalis. "Tch." aniya at umalis na sa lugar na iyon.

**********

Clarissa's POV

Spell awkward? It's U-S!

Grr! Kasalanan yan ng Come one. I'll drive you home! Kainis! Lalo na yung boses niya! Now I know kung bakit ko siya minahal. MINAHAL ah! Past tense!

Pinagmasdan ko lang ang mga bahay na nilampasan namin. Paano nga ulit naging kami ni Laurence? Psh. Ayoko nang alalahanin kung ano man namagitan sa amin noon.

"Hey." tawag niya pero di ko siya nilingon. "We're here." gulat akong napalingon sa labas. Nandidito na nga kami!

"Paano- I mean, how did you know?"

"I always have my ways." kumindat siya sa akin. Inirapan ko lang siya at bumaba na sa kotse niya.

Hmp! Ano pa nga ba? Ways, ways niyang mukha niya! Edi siya na ang magaling.

Padabog akong naglakad papunta sa gate namin. Napasapo ako sa noo ko nang marealize kong naiwan ko ang gamit ko doon sa dressing room.

Great! Shout out to my beloved ex for making my life miserable!

Naramdaman kong lumapit si Laurence sa likuran ko. "What's wrong? Can't get it?" tanong niya na mas lalong nagpapainit ng ulo ko. Argh! Inisin niyo na ang lasing wag lang ang may period!

Sinuntok ko ang balikat niya...na mukha namang useless kasi hindi siya natinag at ako lang ang nasaktan. Napahawak ako sa kamao ko. "It's your fault! Dahil sayo, naiwan ko ang gamit ko-" Napatigil ako sa pagsasalita nang may narinig akong isang pamilyar na boses na nagsalita sa likuran ko.

"Clarissa? What's taking you so long?"

H-huwag mong sabihin...

"Blade, dude! Why are you here at Clarissa's home?"

Hindi ko pa rin siya hinaharap. Nakapikit lang ako habang paulit-ulit kong tinatanong kung bakit. Bakit siya nandidito?! At pumasok pa talaga siya sa loob, huh?

Padahan-dahan akong umikot para harapin ang isa pang taong nagpapagulo sa buhay ko. Nakasabit sa balikat niya ang bag ko at iniikot-ikot niya ang susi gamit ang isang daliri. Nalaglag ang panga ko sa gulat.

"She forgot her things." cold niyang sabi sa akin. SA MUKHA KO MISMO!

Sinamaan ko ng tingin si Laurence na nakapamulsa. Kasalanan ng gunggong na 'yan! Sagot ko sana. "Sorry! Ulyanin lang. Pwede na kayong umalis at magpapahinga na ako." kumaway lang ako at pumasok na sa loob para magpahinga.

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon