Ex-Boyfriend

21 1 2
                                    

Chapter 19. . .

Ryan's POV

4 days had passed but Red is still confined at the hospital. Hindi biro ang natamo niya sa aksidente. But that bastard is really proud of the crack on his skull. Araw-araw, pagkagising niya sumasakit bigla ang ulo niya then minutes later, he just laughed! Siya lang ang kilala kong proud na proud sa nangyari sa sarili. 

"Friend friend, alam kong sira-ulo ka pero hindi ka ganun kalala. Ano bang nangyari at naaksidente ka? Don't tell me panibagong trip mo na yan sa buhay mo." halakhak ni Blake at nagdirty finger naman si Red. Nandito kaming tatlo sa loob ng kwarto. Pina-uwi na ni Blake si Blaze dahil mukhang pagod na pagod siya sa kakabantay sa ugok na ito.

"Pakyu ka, Friend friend." ani Red.

Tinitigan ko ng mabuti si Red at nakita kong napasulyap siya sa akin sabay nag-iwas ng tingin. "Inaamin kong proud na proud ako dahil sa natamo kong crack sa skull. Angas kaya nun!" biro niya samin pero hindi namin iyon pinansin kaya nagseryoso na kaagad ang itsura niya. Binigyan niya pa ko ng makahulugang tingin na ikinagulat ko. "It happened last, last, last, last night. That night, hinatid ko si Ryan sa kanila then nung naka-alis na ako, may napansin akong lalaking nakatayo sa tapat ng bahay nina Ryan.." napapikit siya at napahawak ng ulo, ".. Sorry, hanggang dun lang ang naalala ko."

Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng kwarto pero agad din binasag ni Red yun sa pamamagitan ng tawa niya dahil pinagmalaki nanaman niya ang sugat niya sa ulo at binatukan agad siya ni Blake. Nagsimula nanaman ang kanilang harutan habang ako naman ay iniisip pa rin ang lalaking binanggit ni Red.

May nakita din akong lalaki nung gabi na yun eh. Yung gabing, ililigtas ko sana si ate pero inunahan ako. Kitang kita ko silang dalawa ni ate na magkasama papalabas sa hideout nila Kelly. At hindi rin ako magkakamali, nasa paligid lang siya sa bahay namin nung gabing-

Naputol ang pag-iisip ko dahil napansin kong malapit ang mga mukha nila sa mukha ko. Ilang segundo pa kaming nagtitigan hanggang sa dinilaan ni Blake ang ilong ko.

Napalayo kaagad ako tsaka pinunasan ang ilong ko, "Tang ina. Kadiri ka, Blake!"

Parang wala lang sa kanya kasi kinindatan niya lang ako! "Umiiral nanaman ang pagka-KJ mo eh! Hindi ka sumasali samin ni Red." reklamo niya.

Tawa lang ng tawa si Red, maya-maya, hinawakan niya ang magkabilang pisngi niya, "HAAY~ Kalma na, kalma na. PFFT!" tapos tumawa nanaman siya ng mas malakas pa.

Dahil magkatabi silang dalawa, sa inis ko, pinag-untog ko ang ulo nila sa isa't isa tsaka kinuha ang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto. Rinig na rinig ko pa silang dalawa na nag-uusap.

"Aray ko, beh."

"Masakit ba, beh?"

**********

Blade's POV

"Success?"

Ngumisi siya sa akin tsaka umiling, hinawakan niya pa ang baba niya, "You won't ask me if I had a great flight? From Philippines to Los Angeles is no joke." pabiro niyang sabi.

Tinignan ko siya ng masama, ngumisi lalo siya, "I have no time for jokes. You know that."

"Yeah, you're one serious dude. That's why you are so boring."

This time, ako naman ang ngumisi.  "I might be a boring person. But I have a bloody exciting life. Wanna try me?" alok ko pero tumawa lang siya. "Again, success?" tanong ko ulit.
Humikab muna siya, nag-inat, humigop ng kape at umarte pa siyang nag-iisip. Kung hindi lang mahaba ang pasensiya ko, kanina ko pa siya napatay dahil sa pang-aasar niya. I kinda missed Blake for making fun of me. "Success plan as always." pagmamayabang niya, "I booked a flight just to answer your question?"

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon