Nurse

27 5 0
                                    

Chapter 5. . .

Blade's POV

Pagpasok namin sa campus ni Blake, sinalubong kaagad kami ng mga tili.

"Gosh!! Beh! The Tomlinsons!!! Grabe ang gwapo ng ating Campus King!"

"Giiiirrrl!! Ang kyot kyot naman ni Blakey! Kyaaah! Aylabyu Campus Prince 101 a.k.a The Only One!"

"Sayang pre. Hindi nila kasabay sila Blaire at Blaze."

"Oo nga pre."

Tch. Hindi lang pala kami pinagkaguluhan ni Blake. Pati din pala sila Blaire. Paghampasin ko kaya sila ng poste kapag may balak silang ligawan sila Blaire?

Nag make way sila sa harapan namin para makadaan kami. Pansin kong tuwang-tuwa si kupal. "Saya mo ah?"

"Hehe di naman. Medyo kinakabahan nga ako kung pano ko ilagay ang menudo sa locker ni Cristina." itinaas pa niya ang menudo na hawak-hawak niya.

Punyeta. Seryoso ba siya dyan sa iniisip niya? Gago pala siya eh.

Sa halip na murahin ko siya, sinabihan ko na lang siya ng "Bahala ka dyan sa buhay mo." sabay alis sa tabi niya.

Dinadamay niya pa ako sa panliligaw niya dun sa babae. Kupal talaga.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad ko ng hindi tumitingin sa daan dahilan para magkabanggaan kami ng isang babae.

"Aray ko naman! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo ku---."

"Clarissa! Yan yung Campus King ng Kingdom School!!" sigaw ng babae habang tumatakbo papunta sa amin at tinulungan itayo yang 'Clarissa' na yan.

Nang nakatayo na siya, lumuhod ako para pulutin ang kanyang notebooks, ballpen, folders at inabot sa kanya.

Tss. Nagbackpack pa siya, eh hindi naman niya ilagay dun ang gamit niya. Kelangan ba talagang bitbitin ang gamit niya sa braso? Kelan pang naging display ang bag sa likod? Pormahan?

Padabog naman niya kinuha iyon. Tss tinulungan na nga eh. At di pa nakuntento, tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"You look familiar to me." sabi niya sa akin.

Nga naman. She look familiar to me also.

Pilit kong isipin yun, at may naalala bigla ako.

"IKAW YUNG NAGLIGTAS SA AKIN AH!"

"Ikaw yung babaeng maingay."

Oo. Siya nga yung babaeng maingay. Di pa rin siya nagbabago. Ang ingay niya pa rin.

Tinignan ko siya at tinaasan naman niya ako ng kilay. "Oh ano?! Hindi ka ba magsosorry sa akin?!!" sigaw niya sa akin.

Tinuro ko ang sarili ko. "Ako?"

"Aba malamang! Ikaw! Alangan naman siya?!" tinuro niya ang puno sa tabi ko.

Napailing na lang ako sa isip ko. Nababaliw na siya. "Bakit naman ako magsosorry sa iyo? Ikaw nga hindi ka nagpasalamat sa akin ng maayos. We're quits." sagot ko naman sa kanya.

Kung si Blake ay kupal, siya naman ay kapal. Sorry for the words, but it's true.

Napatingin naman ako sa isang babae na kanina pa kami pinagtitignan. "My gosh friend. May chemistry kayong dalawa!!"

Chemistry? Kelan pa kami nagkaroon ng ganun? Nahihibang na ang kaisipan ng isang to. Mga babae nga naman.

"Naku! Tigil-tigilan mo ko, Cristina! Hindi nakakatuwa ang sinasabi mo!" sigaw nanaman niya.

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon