C&C's Moment

17 3 1
                                    

Chapter 10. . .

Blade's POV

"Blaaaaade...." rinig ko siya sa labas ng kwarto ko.

Dinikit siya siguro ang nguso nya sa pintuan ko. Kababaeng tao naghahabol ng lalaki.

Napapikit ako sa inis. "Go away." ayan nanaman ang kanyang mahaba na ungol. "Go away or your name will be written on my Black list. What do you want? Torture list? Death list? Or..."

"I want to talk to you."

"Then talk."

"In personal."

"Tss. Magkasama tayo sa iisang bahay."

"Pero may nakahaaaraang."

Kung ihagis ko kaya sa kanya ang itak ko?

Sumadal ako sa pintuan habang ginugulo ko ang buhok ko. "You're starting to annoy me." mariin kong sabi.

"Then it's good. Face me or I will annoy you." narinig ko pa ang kanyang maliit na tawa.

Huminga ako ng malalim. Keep calm, Blade. Or there will be blood everywhere. "Ano ba ang kailangan mo sa akin? Talagang sinugod mo ang bahay namin ha?"

"Correction!! It is a mansion not a house." napa-iling ako sa sinabi niya. "It is about my nightmare!" pasigaw niyang sabi.

Natigilan naman ako saglit. Nightmare? "Wala akong pakielam sa kung ano mang panaginip mo, Cristina Jade Madison."

"You see! Alam mo ang buo kong pangalan! Madugo kasi ang panaginip ko. Gusto ko lang iclarify kasi, nakatatak sa isip ko eh."

Napataas ang kilay ko kasabay ang pagbasa ng aking labi. "Madugo? Bakit marami ba?"

"Oh? Interesado ka na ba? Oo! Maraming dugo."

"Tss. Regla lang yan. Magnapkin ka nga, kadiri kang babae ka."

Biglang nagkaroon ng katahimikan. Bubuksan ko sana para tignan kung umalis na siya pero nagsalita siya. Malamang nandyan pa rin. "Hoy! Kakatapos ko lang magkaroon. Wag ka nga magmarunong!"

Damn. This girl is nuts! Napahawak ako sa noo ko. "Paano mo malaman ang bahay namin?"

Narinig ko siyang tumawa, "I have connections, Blade."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Connections?

"Haha! Charot lang yun uy." tss akala ko pa naman totoo. "Ang totoo kasi, kelangan ko ikaw kausapin pero hindi ko naman alam ang bahay mo. So susuko sana ako pero biglang may nagtext sa akin. Like, are you looking for Blade Tomlinson? Just go to **********.. -LBT ♥ Ayun! Pumunta nga ako then tada! Here I am."

Sa pagkagalit ko, binuksan ko kaagad ang pintuan at hinila papasok si Cristina. Itinulak ko pa siya sa pader, halatang malakas ang pagkakatulak ko sa kanya dahil sa kanyang mukha. Hawak ko siya sa braso at inilapit ang mukha ko sa mukha niya, pumukit naman kaagad siya. "Sino ang nagtext sa iyo?" dahan-dahan ngunit mariin kong tanong.

Dumilat siya bigla, nakita ko ang takot niya sa mata niya. "L...B..T." dahan-dahan niyang sagot.

Ilang beses pa ako pumikit para lang icontrol ang gigil ko. "Leave." kalmado kong sabi.

"P-pero."

"I said leave." sinamaan ko pa siya ng tingin. "Leave this place or you'll be--" hindi ko na magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa biglang tawag sa akin ng kapatid ko.

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon