Organizations

66 4 3
                                    

Chapter 2. . .

Blade's POV

At the supermarket~

Tulak tulak ko ang cart habang hawak hawak ko ang list ng kelangan kong bilhin.

Bumili ako ng mga ingredients para gawan ko ng oreo cheesecake ang baby girl ko. Mini chocolate mousse cake for kupal. And strawberry shortcake para sa maarte kong kapatid.

Kahit hindi sila magrequest, gagawan ko pa rin sila. And besides, I love to bake.

Nang bayaran ko na ang lahat, patungo na ako sa parking lot kung saan naka parada ang kotse ko.

Habang naglalakad ako, bitbit ang tatlong paper bags, may narinig akong sumigaw...

"Aaaaaaaahh! Get away from me, you freaks!"

Ano meron?

Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa kotse ko. Nilagay ko ang mga paper bags sa kotse at tumakbo kung saan nanggaling ang sigaw.

Napasapo kaagad ako sa noo ko nang marealize.. "Tch! I left the door open." inis na bulong ko at bumalik ulit sa kotse ko.

"Ghaaaad! Heeelp me pleeeeeaassee! Heeelp!"

Tch. Thug life.

Sinarado ko ang pinto ng kotse ko at nilock iyon. Patakbo na sana ako nang may narealize nanaman ako. "Aish. Magkokotse na nga lang ako." tsaka sumakay na sa kotse at pinaandar ko na kaagad iyon.

Nagdrive ako kung saan nanggaling ang 'help me' na iyon.

Natanaw ko kaagad ang tatlong lalaki, isang mataba, isang mapayat, at isang parang leader dahil sa attire niya. Feel na feel ang pagiging leader.

Napangiti ako nang maalala ko si kupal.

Feel na feel niya ang pagiging gwapo.

Napa straight face kaagad ako ng makita kong hinawakan ni taba yung babaeng maingay. "Miss, ang bango-bango mo." aniya ni taba.

Pumiglas naman yung babae. "Aba malamang! Naglagay ako ng pabango eh kaya malamang mabango ako pero hinawakan mo na ako, nagiging amoy baboy na kinatay at niluto na ginawang Toccino na ako dahil sayo!!"

‹•.•›

"Pfft. Hahaha." di na mapigilan, tumawa ako ng mahina pero dahil kasalanan ng hangin, mukhang narinig nila.

Lumapit naman si payat at akmang kakatukin niya ang bintana ng kotse ko nang ibinaba ko iyon at mabilis na tinutukan siya ng baril upang matigilan siya. "Walang ibang taong nakakahawak sa kotse ko maliban sa mga kapatid ko. If I were you, I'll keep my dirty hands. So, back off."

Umatras naman siya kaya bumaba na ako sa kotse ko habang tinututukan pa rin siya ng baril.

Bigla naman hinarangan ni taba ang leader nila na parang nakaihi na sa takot dahil kitang kita ko ang pagkakahigpit ng kamay niya sa balikat ni taba. "Pogi, wala naman ganyanan.. Nagkatuwaan lang naman kami ni Miss." depensa ni taba.

Agad na hinugot ko sa bulsa ang isa ko pang baril at tinutukan si taba. Nanlaki ang mata niya at unti-unting binitawan ang babae na natameme sa akin. "The fuck do you need with this girl?" seryosong tanong ko.

Bigla na lang lumitaw sa harapan ko ang leader. Puta. Hindi ko iyon inaasahan ah. "Hindi na po mauulit pogi! Ibaba niyo na po ang baril!"

Pero sadyang ipinanganak siyang tanga, bobo at inutil. Inagaw niya bigla ang baril na hawak hawak ko na ibababa ko sana.

Pero ipinanganak din siyang payatot, nahihirapan siyang kunin ang baril sa kamay ko. Nakakapit na siya sa kamay ko. Naiinis na ako kasi late na ako.

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon