Chapter 9. . .
Blaire's POV
Inayos ko ang aking earphone para marinig ang kanilang usapan.
"Ano ang gusto mo pala sabihin sa akin?" kitang kita ko ang malaking ngiti ni Kuya Blake.
Pinatong naman ni Cristina ang kanyang siko sa lamesa at ngumuso. "I'm here to explain for my friend, Clarissa."
Ang kaninang ngiti ay naging simangot. "She called my sister a brat. And I won't let her get away with it."
Sinulyapan ko si Kuya Red na kasama si Ate Blaze. Buti na lang hindi na kasama ni Ate si Clarissa. Tinignan ko si Ate na tinuro ang kanyang orasan kasabay ang pagbilang ng aking katabi.
"Five.."
"Four.."
"Three.."
"Two.."
Agad-agad kong kinuha ang aking maliit na baril na may silencer at tinutok sa labas tsaka binaril ang taong may hawak na sniper na nakatutok sa likuran ni Cristina.
Dahil sa pagputok ko, nabasag ang salamin pero ang lahat ng tao dito ay normal parin ang galaw pwera lang kay Cristina na gulat na gulat.
"What the heck is that?!" natataranta niyang sigaw.
Tinanggal ko na kaagad ang earphone ko at tumayo, lumapit kaagad sa akin ang mga grupo ko. Tinango ko lang sila at agad naman silang kumilos. Alam na nila ang kanilang gagawin.
Nilingon ko si Ryan na kumakain na parang walang nangyari sa kanyang paligid. "Alamin mo tungkol sa lalaking iyon kapag wala kang nalaman, ibigay mo yang lalaki na yan kay Ate." utos ko sa kanya. Tumango na lang siya at pinagpatuloy kumain.
Tumayo at tinanggal ni Kuya Blake ang nakatusok sa kanya sa kanyang batok. "King ina! Sakit nun ah." mag iinat na sana siya nang may sumakal sa kanya gamit braso at tinutukan ng kutsilyo sa tagiliran.
"Subukan niyong umatake sasaksakin ko ang kapatid mo BLAZE!!" sigaw niya pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Ate.
Maski ang mga grupo ko, busy'ng busy sa pinapagawa ko sa kanila. Si Ryan naman, kumakain pa rin habang katabi niya si Kuya Red na naglalaro ng Flappy Bird.
Tinignan ko si Kuya Blake pero wala man lang siya reaksyon. Umupo na lang ako sa upuan ko at tinignan ang lalaki. Nagtaka pa siya nang nakita niyang walang pumapansin sa kanya.
Damn he is stupid.
Humikab pa si Kuya Blake. "Naknang.. Tagal ng panghohostage mo ah? Aray! Tarantado ka ah, pag yan nagkaroon ng marka sa balat ko. Patay ka na at yang pamilya mo." nakita kong diniinan ang pagkakatusok sa tagiliran. Umiling na lang ako sa kanya.
Ang bobo niya. Kung sino man nag utos sa kanya para gawin yan. Ang tanga niya.
Bigla naman may dugo dumadaloy sa bibig niya. Nabitawan niya ang kapit niya kay Kuya. Siniko pa siya ni Kuya Blake sa mukha bago siya kumawala. Nang makaalis si Kuya Blake, doon ko lang nakitang may espada nakatarak sa kanyang tyan.
Tinitigan lang namin siya nang dahan-dahan itinanggal ang espada sa tyan kasabay din ang dahang-dahan pagbagsak ng lalaking iyon.
Pagbagsak ng lalaking iyon, nasa likod niya si Kuya Blade na walang emosyon habang pinupunas ang kanyang espada na punong-puno ng dugo.
Wala kaming reaksyon habang si Cristina naman ay naghahabol ng hininga at hindi malaman ang kanyang gagawin. Agad naman lumapit si Ate Blaze para pakalmahin ito.
BINABASA MO ANG
The Siblings
Teen FictionFour Siblings: Tyrone Blade Tomlinson, the serious one but deadly. George Blake Tomlinson, the jolly one but deadly. Zandra Blaze Tomlinson, the sossy one but deadly. Lianna Blaire Tomlinson, the bubbly one but deadly. Why are they deadly? Because t...