Trouble

20 2 0
                                    

Chapter 11. . .

Red's POV

"Oh my? Where did he go!"

"Come out, come out. Wherever you are."

"RED KENNEDY! KYAAAH~ COME BACK TO ME!!"

Hell no, I won't! Sigaw ko sa isip ko. Pumunta ako sa mall, para mamili ng pagkain ko. Hindi para ma-hunting-an ako ng mga babae!

Dinikit ko ang tenga ko sa pintuan. Wala akong marinig. Pero hindi pa rin ako makuntento, sumilip pa ako sa maliit na butas. "The coast is clear." bulong ko sa sarili ko.

"Clear it is." naramdaman kong may gumalaw sa likuran ko. Hindi ko makita ang mukha dahil nakapatay ang ilaw sa Janitor's room.

Pero sanay na ako sa ganitong klaseng sitwasyon kaya hindi man lang ako nakaramdam ng takot o kaba man lang.

Kung isa itong may balak na ikidnap ako, hindi niya ako mahuhuli. Baka siya pa ang mahuli ko eh. Tch.

At batid kong magkaharap na kami dahil naamoy ko siya dahil sa kanyang pabango. Sinundot ko pa ang tagiliran niya.

"Uyy~ Zandra ikaw ba 'to?" nakangisi kong tukso. Haha. Alam ko ang style ng pagtatago niya sa dilim at pagpapakita niya sa dilim o pagpaparamdam. I know her well so much.

Naramdaman ko nanaman ang pagkilos niya kasabay ang pagbukas ng pintuan. "Tss. Wala na sila. Pwede ka na gumala." aalis na sana siya pero pinigilan ko

"Teka. Hindi mo man lang ako sasamahan? Baka balikan ako ng mga babae! Kailangan kita!"

Itinaas niya lang ang kamay niya. "It's not my problem anymore. We have our own mall."

Tss. Edi sila na ang meron. "O'sige. Sasama na lang ako sa iyo."

Hinarap naman niya ako. Ayan nanaman ang mataray na mukha niya. "What? It's too dangerous for rookies, Kennedy."

Hindi makapaniwalang nilingon ko siya! "Tsk. Ayan ka nanaman eh! You're underestimating me." kaya gusto ko siya eh! Palagi niyang napapansin ang kakayahan ko. Whahahahaha!

"Whatever. Just continue what you're doing."

"Teka lang!" pigil ko sa kanya nang tatalikuran nanaman ako. "Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa Mall ng MOMMY KO?"

Napakamot siya sa ulo at inilagay ang kamay niya sa baba na kunwaring nag-iisip. "Hindi ko nga alam kung paano ako napadpad dito eh."

"Ano ba ang last na ginawa mo?"

"Naalala ko lang, naglakad ako."

Tapos napadpad sa janitor's room at chumachansing sa akin habang nakatalikod ako? Wow lang ha. Medyo nakakatuwa naman isipin na chinachansingan niya ako.

"It's only a joke. May ginawa lang ako at hindi mo pwedeng malaman." hindi ko magawang pigilan ulit siya dahil sa bilis niyang pagtalikod at preteng naglalakad patungo sa exit ng mall.

Ngumiti ako ng palihim. "Sus. As if I know, iniistalk mo ako hehehe. Wala namang butas ang janitor's room eh. Posibleng nandun ka na kanina pa at inaabangan mo ako. Hehehe." muntanga ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.

"Kyaaaaaah~ ayan siya!"

"Enebe! Kinikilig ako sa tuwing nakikita ko siya!"

"Jackpot tayo! Nakita natin si Red tsaka ang mga Tomlinson."

Nilingon ko ang tatlong babae na may malaking ngiti sa kanilang mukha. Hindi nila ako makikita kasi nagtago na kaagad ako sa pinakatagong lugar ako nakapwesto.

The SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon