Chapter 7 -- Dangerously In Love

6.2K 97 1
                                    


Ilang araw ng nag pho-photo shoot ang team ni Natalie sa iba't ibang location. Siya kasi ang kinuhang official photographer para sa kasal ng kanyang college classmate na si Aimee Gomez. At ngayon nga ang araw ng wedding nil. It's a beach wedding. At sa Calatagan Batangas pa ang location.



Nasa labas siya ng kanyang shop, hinihintay ang team niya. Isang staff na lang kasi ang hinihintay niya, para naman may mga taga buhat siya ng kanilang mga gamit. Bali apat silang lahat sa team. Nang lumabas ng shop si Nikki.



"Ma'am, katatawag lang po ni Dave, sinugod daw po sa hospital ang anak niya kaya hindi siya makaka pasok."



"What the hell?" Bulalas ni Natalie. "Noon ko pa sinabi sa kanya 'to tapos mag aabsent lang siya? Naman o." Inis na sabi niya. "



Nakita ni Nikki ang papadating na si Ervic. "Ma'am, kung si Ervic na lang po kaya?" Suhestyon ni Nikki.



Napaisip ni Natalie sa suggestion ni Nikki at si Ervic na nga ang isinama nila papunta sa Calatagan, Batangas.



At dahil beach wedding ang concept, kaya silang lahat ay pang beach din ang kasuotan. Pagdating sa venue ng kasal, agad silang nag trabaho. Buti na lang at napaaga sila sa call time.



Habang kinukuhanan ni Natalie ng letrato ang mga ikinakasal napa isip siya kung kailan ba yung panahong siya naman ang kinukuhanan ng letrato habang naglalakad sa gitna ng aisle papunta sa taong pinakamamahal niya. She picture herself walking on aisle, then suddenly she saw Ervic waiting for her on the altar. It's Ervic and not Martee.



Pagdating sa reception tuloy pa rin ang trabaho nilang apat. Nang lapitan si Natalie nang Bride.



"Congratulations." Bati ni Natalie sa Bride tsaka siya bumeso dito.



"Thanks. O, ikaw kailan ka ikakasal?" Tanong ng Bride.



"No exact date. But for sure I'll let you know." She said with a smile.



"Nasa table 14 ang mga classmates natin, pagkatapos mo diyan puntahan mo sila, ha? They want to see you daw." Anang Bride.



"Don't worry, I will."




"I'm gonna throw the bouquet. Tara sama ka." Yaya ng Bride.



"No one's gonna capture you if sasama ako."




Pumwesto na ang Bride para ibato ang bouquet. Kuha lang siya ng kuha ng shot. Nagulat na lang si Natalie nang itapon ng Bride sa direksyon niya ang bouquet, wala siyang choice kundi kunin 'yon. Nag sipalakpakan tuloy ang mga tao. Pilit naman siyang ngumiti. "Aimee, I'm gonna kill you." Bulong niya sa kanyang sarili habang pinipilit niyang ngumiti.



"Ma swerte ang makakakuha ng garter." Birong sabi ni Ervic.



"Shut up!" Bulong ni Natalie kay Ervic.



It's time for the groom to throw the garter. Napalaks ang hagis ng groom sa garter kaya imbes na ang mga parte ng entourage ang makakuha, si Ervic tuloy ang nakakuha.




Habang pinapasuot ni Ervic ang garter kay Natalie tinitignan niya ito sa mga mata. Para bang nangungusap ang kanilang mga mata. They feel like sila lang dalawa ang tao sa mga oras na yon.



Sumayaw ng sweet ang newlyweds at syempre pati sina Natalie at Ervic ay sumayaw din. They are both looking at each other's eyes.



"Maganda ka ngayon." Papuri ni Ervic kay Natalie.



The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon