Chapter 20 -- Suicide Love

5.4K 83 3
                                    

Nababahala na si Natalie sa madalas na pagkahilo niya lately. Nasusuka din siya lalo na kapag umaga. Kaya kailangan na niyang komunsulta sa tulong ng isang espesyalista. Kaya nagtungo siya sa Ospital para mag pa check up sa Doctor. Hindi na siya nagpasama kay Ervic, dahil ayaw niyang mag alala ito sa kalagayan niya. Kinakabahan siya sa maaaring maging resulta.



Oh God please, I don't want to get sick. Dalangin niya habang hinihintay ang Doctor. Nang sa wakas ay dumating na ito at umupo ang Doctor sa swivel chair nito, sa harapan naman nakaupo si Natalie malapit sa table ng Doctor.


"Doc, am I sick? Is it serious?" Agad na tanong niya sa Doctor.


Napangiti ang Doctor sa mga tanong nito. "Nothing to worry about. You're not sick. You're absolutely healthy." Paliwanag ng Doctor.


"Then why am I always feeling dizzy this past few days and I fainted a couple of times?" Alalang tanong niya.


"Ayon sa lab results mo, you are 4 weeks pregnant, Natalie."


"Pregnant? Buntis ako?" Tsaka lang ang sink-in sa kanya ang mga sinabi ng Doctor, tsaka siya ngumiti na halos abot tainga.


"Congratulations. You're going to be a Mom soon. I'm sure your husband would love to hear that from you."


"Yeah right. Kailangang malaman ni Ervic na magiging Daddy na siya." Napa ngiti ulit siya sa sinabi niyang 'yon.


Walang mapagsidlan ng tuwa si Natalie sa magandang balitang nalaman. Nangingiti-giti siya habang nag da-drive. Tatawagan niya sana si Ervic para ibalita dito na buntis siya kaso naisip niya na kailangan niya itong sorpresahin at kailangan maging romantic ang pagsasabi niya ng good news. Kaya niyaya niya na lang ito sa isang romantic na restaurant mamayang gabi.


Hindi muna siya mag ta-trabaho ngayong araw. Kailangan simula ngayon alagaan na niya ang kanyang sarili dahil may munting anghel na siyang dinadala sa kanyang sinapupunan. Kailangan doble ingat na din siya sa kanyang mga ikinikilos. At bawal na din sa kanya ang sobrang pagpapagod, lalo na ang stress. Gusto niyang maging malusog ang kanyang baby hanggang sa mailuwal ito.


Kaso kay Ervic lang niya pwedeng sabihin na buntis siya. Hindi niya ito pwedeng sabihin sa Dad niya, pati na din sa kanyang Ate, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapansinan at nag uusap na dalawa.


Pagdating sa bahay ay dumiretso agad siya sa kanilang staircase para sana tumuloy na sa kanyang kwarto at makapag pahinga na siya. Pagdating niya sa second floor ng kanilang bahay ay nakaupo sa mahabang sofa si Mr. Ortega, sa sala sa 2nd floor.



"Dad." She smile. Nilapitan ni Natalie ang kanyang Dad tsaka humalik sa pisngi nito.


Tila wala namang ekspresyon sa mukha ni Mr. Ortega. Ni hindi siya ngumiti ng makita si Natalie.


"Ano'ng ginagawa niyo dito? Dapat nagpapahinga lang kayo sa inyong kwarto." Alalang sabi ni Natalie.


Tumayo si Mr. Ortega at seryosong tinignan ang anak. "Tell me, who is this guy name Ervic? Who is he?"


Napamaang si Natalie sa tanong ng kanyang Dad. "Da-dad?"


"Siya ba ang kinababaliwan mong lalake ngayon?"


Hindi makasagot si Natalie.


"I never raised you just to be a mistress. Akala mo siguro hindi ko malalaman ang lahat? Well you're wrong."


Napayuko tuloy si Natalie. Hindi alam ang isasagot sa kanyang Dad. "I'm sorry, Dad." Yun lang ang tanging nasabi niya.


"Gusto kong tigilan mo na ang relasyon mo sa walang hiyang lalakeng 'yon. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila ang lahat ng ito? Pano kapag nalaman ito sa kumpanya? Mawawalan sila ng tiwala sa'tin. Natalie, do you understand me?"


The Wife And The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon