Nasa Ospital na din si Ayen. Agad siyang pumunta nang matanggap ang tawag ni Ervic. Pilit nilang pinapa kalma si Natalie. Buhat kasi ng magising ito at nalamang nalaglag ang kanyang dinadalang baby ay nagwala na ito. Ayaw niyang maniwala na nawala na nga ang kanyang munting anghel. Kaya pati tuloy si Ayen napapaiyak sa kalagayan ng kapatid.
Ni hindi na nga nagawang puntahan ni Ervic ang kanyang anak na nasa kabilang kwarto. Pero sinabi naman sa kanya na okay na ang anak. Pero higit na mas kailangan siya ngayon ni Natalie.
"You're all lying. Hindi ako naniniwala sa inyo. Hindi pa patay ang baby ko. Hindi siya patay, hindi, hindi, hindi." Pilit na sabi niya kina Ayen at Ervic.
Pilit na niyayakap ni Ervic si Natalie habang hawak nito ang kanyang mga kamay. Pero pilit siyang itinatapos ni Natalie. Hindi pa niya kasi matanggap ang mga nangyari.
"Natalie, your little angel won't be happy seeing you behaving like this." Iyak na sabi ni Ayen sa kapatid.
"Mga sinungaling kayo, sinungaling kayo. Hindi nalaglag ang baby ko. Hindi. Hindi." Tumingin siya kay Ervic. "Ervic, sabihin mo buhay pa siya diba? Hindi naman siya nalaglag diba? Diba?"
Hinaplos ni Ervic ang likod ni Natalie. "Natalie, kailangan mo ng tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanang wala na ang anak natin. Masakit, pero kailangan tanggapin." Sabi ni Ervic kay Natalie.
Pilit pa ring umiiling si Natalie. Nang dumating ang isang Nurse dala ang injection. Laman no'n ay pampa sedate na gamot, para kumalma si Natalie. Agad namang 'yong itinurok ng Nurse at umalis na rin agad.
"Sinungaling ka, sinungaling ka. Galit ako sa'yo, galit ako sa'yo."
Pilit pa ring niyayakap ni Ervic si Natalie. Kahit na itinatapos siya nito. "Natalie, hindi lang naman ikaw ang nawalan. Masakit din sa'kin ang mga nangyari. Kaya sana tanggapin mo na ang katotohanan."
Dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto si Carlyn. Umiiyak din ito. "Na-Natalie." Napatingin ang tatlo sa kanya.
"Ano'ng ginagaw mo dito?" Inis na tanong ni Natalie. "Umalis ka dito, umalis ka. Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari 'to. Ikaw."
Papalapit ng papalapit si Carlyn sa kama ni Natalie. "Patawarin mo'ko. Patawarin mo'ko. Hindi ko sinasadya, hi-hindi ko alam ang kalagayan mo."
"Wala na ang baby ko, wala na." Patuloy na hagulgol ni Natalie.
Patuloy naman ang paghingi ng tawad ni Carlyn kay Natalie. Batid niyang kasalanan talaga niya ang nangyari. Kung bakit nawala ang anak ni Natalie. Aminado siyang lalo siyang nasaktan nang malamang nagdadalang tao si Natalie, gusto man niyang magalit ay hindi na niya magawa. Dahil mas nangingibabaw ang guilt at awa niya para kay Natalie. Mas masakit ang nangyari kay Natalie. Nawalan ito ng anak. Lalo siyang naawa nang makitang nagwawala si Natalie at hindi matanggap na wala na ang baby nito.
Hanggang sa tumalab na nga ang gamot kay Natalie. Unti-unti siyang kumalma at nakatulog na. Nakatulog siyang nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata.
Naging mahaba ang gabing 'yon para sa kanila. Ni hindi na nga nakatulog si Ervic dahil sa kakaisip at pag aalala kay Natalie pati na rin sa kanyang anak na si Nicko.
Nagising si Natalie na tanging si Ervic na lang ang nando'n sa loob ng kwartk at wala na ang kanyang Ate. Namumugto ang kanyang mga mata at hindi pa rin mag sink-in sa kanya ang mga nangyari.
Hinawakan niya ang kanyang tiyan at muli na namang napaiyak. Gano'n ba talaga ako kasama, para mangyari sa'kin ang lahat ng ito? Ito ba ang kapalit sa pang aagaw ko kay Ervic? Kung gayon ayoko na. Ayoko ng may mawala na namang isang buhay dahil sa mga kasalanan ko. Humagulgol na naman ulit siya.
BINABASA MO ANG
The Wife And The Mistress
RomanceLove is one of the best thing that can happen to your life. But what if one day, it will only destroys your life? That the only man that you love has fallen to another woman. Are you still willing to fight for that love even if its slowly killing yo...