Chapter 1

1.5K 41 5
                                    

Chapter 1

Buong maghapon wala akong ginawa kundi ang humilata sa sarili kong kama. Mukhang ito ang unang summer ko na makakabitan ko ng salitang boring. Ibang-iba sa mga naging bakasyon ko noon kasama ang-

Umiling ako. Hindi ko na siya dapat isipin pa. Maglilimang buwan ng tapos ang relasyon namin. Nakapagmove-on na ako kay Geoff.

Binuksan ko na lang ang tv sakaling malibang ako pero kagaya lang kanina, wala sa alinmang channel ang kumuha ng interes ko. Maging facebook, instagram, snapchat ay 'di ako napapasaya.

Ilang beses akong sumubok na lumabas na lang ng bahay pero wala akong kasama. Hindi na ako sanay mag-isa simula ng maging kami. Sa tuwing bakasyon, walang pasok, o weekends, kung hindi siya, ang pamilya niya ang kasama ko...
Muli akong napailing. Saka napatingin sa cellphone ko.

No. No way!

Malaking pag-aayaw ang ginagawa ng utak ko, pero kabilang bahagi naman ay nagmamatigas. Sa huli, dinampot ko rin ang cellphone ko na kanina ko pa pinaglalabanan. Muli kong binasa ang laman ng kanina ko pa natanggap na text message galing kay Georgina. Nakababatang kapatid ni Geoff.

*Hello! Ate Jade! Busy ka ba? Ate, pasama sana ako sayo magshopping. Pwede ba? Please say Yes. I miss u.*

Napabuntong-hininga ako.

"Ano ba kasi?" nagawa kong isatinig na parang tangang wala namang kausap. "Ba't ba ang hirap mag-reply ng pagtanggi. Marami naman akong pwedeng idahilan."

The truth is...

I miss her too. Para ko na rin siyang tunay na kapatid. Sa isang taong naging kami ni Geoff, napalapit na sa'kin ang pamilya niya ng sobra. May pagkakataon ngang halos ampunin na nila ako dahil sa tuwing 'di ako nakakadalaw ng lagpas isang linggo sa bahay nila, tinatadtad ako ng text ni Georgina o ng mommy niya na magpakita naman daw ako sa kanila.

At noong naghiwalay kami ni Geoff, pakiramdam ko sila ang mas nasaktan para sa'kin. Sila ang mas hindi agad makatanggap ng nangyari. Sa dumaang buwan, si Georgina at tita ang nagunguna sa inbox ng cellphone ko na kung hindi pangungumusta, pagyayaya ang ginagawa tulad na lang ngayon.

Muling tumunog ang cellphone ko sa panibagong mensahe galing pa rin kay Georgina.

*Ate, pleassssse...*

Kung tatanungin ko ang sarili ko, gustong-gusto ko, besides, ramdam ko na ang pagkabulok ko sa sarili kong kwarto. Ganito na lang ba ako buong bakasyon? Kain-tulog?...

Sa isang iglap, nagawa ko ng makapagdesisyon. Kinilos ko ang mga daliri ko para sa iisang reply kay Georgina.

*Ok.*

©POPLE

EX to the Nth PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon