Chapter 9

816 33 0
                                    

Chapter 9



Balik sa dati ang buhay bakasyon ko na boring at nakakatamad. Hindi ko rin maitatanggi sa sarili ko kung gaano ako kalungkot habang hindi ko mapigilang maalala ang magagandang nangyari nitong mga nakaraang araw at linggo kasama sina George at tita.



Napabuntong hininga ako. Para akong bumalik sa first step ng pagmomove-on. Masakit. Nakakaiyak. Nakakamiss. Sobra.



Sa kalagitnaan ng pagiging tulala ko, biglang nagulat ako na may kumatok sa pinto. Wala akong inaasahan ngayong bisita, kaya wala akong ideya kung sino ang tao sa labas.



"Hi, Jade!"



Hindi ako makapaniwala sa taong napagbuksan ko ng pinto. Suot niya ang malapad at mapang-asar na ngiti na trademark na yata niya.



"Anong ginagawa mo dito? At paano mo ako natunton dito?" bungad na tanong ko kay Kean na dire-diretso lang pumasok sabay upo sa sofa na parang siya ang may-ari ng bahay.



"Binibisita ka. Hindi ba pwede? Close na rin naman tayo diba?"



Hindi ko pinansin ang sinabi niya na lagi namang purong biro ang lumalabas sa bibig. Sumilip muli ako sa pinto para tignan kung kasama ba niya si Georgina, pero wala akong makitang kahit anino ng pinsan niya.



"Paano ka nakapunta dito?" pag-uulit ko sa tanong na 'di pa niya nasasagot. "Kasama mo ba si George."



"Hindi ko siya kasama, pero pwede ko siyang tawagan." Sagot niya na pinagtaasan ko ng kilay para sa hinihintay kong kasagutan sa unang tanong ko sa kanya. Muli siyang nagsalita. "Sinundan ko kayo noong isang araw nang ihatid ka pauwi ni Geoff, kaya nalaman ko 'tong apartment mo."



"At bakit mo naman kami sinundan?" mataray na tanong ko. Parang gusto ko ng matakot sa kanya. Stalker ko na ba siya ngayon?



"I just wanted to make sure na hinatid ka nga ni Geoff. Napansin ko kasi kung paano ka niya tratuhin noong araw na 'yon."



Nabura bigla ang papasulpot na takot ko sa kanya. Gusto kong paniwalaang sadyang gentleman lang talaga siya... at ilang beses na niyang napatunayan 'yon sa kabila ng pagiging maloko niya sa halos lahat ng bagay.



"Ayoko namang maging tsismoso," muling pagsisimula niya, "Pero, curious lang ako kung anong meron sainyo ng pinsan ko. I mean, bakit ka niya nauutasan ng ganoon na lang... may atraso ka ba sa kanya?"



Pinagtaasan ko siya ng kilay para sabihing tsismoso nga siya. Wala sana akong balak sagutin ang tanong niya pero naisip ko rin na siguradong hindi rin naman niya ako titigilan. "He's my Ex. At hindi niya gustong pinagsisiksikan ko pa ang sarili ko sa pamilya niya. Iniisip rin niya sumisipsip ako kay George at tita para lang magkabalikan kami."



"Whoah," reaksyon niya na 'di inasahan ang naging sagot ko. "Kaya pala ganoon na rin lang kaprotective sa'yo si George na halos patayin na niya ako sa bugbog 'wag lang ako makalapit sa'yo."



Sumilay ang ngiti ko sa pagbanggit niya kay George. Miss ko na talaga ang babaeng 'yon. Para akong nawalan ng nakababatang kapatid.



"Kung ganoon, wala na talaga kayo ni Geoff? Hindi na kayo magkakabalikan pa?"



Umiling ako bilang sagot. "Hindi na."



"Pero gusto mo pa siya?"


"Hindi na niya ako gusto."



"Hindi mo sinagot ang tanong ko." Balik niya sa'kin na may pagkamakulit nga naman talaga.



"Ganoon din naman 'yon. Kahit gusto ko pa siya, hindi na niya ako gusto."



"Gusto mo bang tulungan kita?"



Muli ko siyang pinagtaasan ng kilay na nakakasanayan ko na yatang gamitin sa kanya. "Tulungan saan?"



"Depende sa'yo." Sagot niya na umayos ng upo para magdekwatro. "Ano bang gusto mo, ang tulungan kitang makalimutan siya? o ang tulungan kang magkabalikan kayo?"



Pinaningkitan ko siya ng mata. Bago pa man ako magsalita, inunahan na niya ako. "Ako na lang ang magdedesisyon para sa'yo." Napakadaling sagot niya sabay tawag sa cellphone na hawak niya. Huli na nang mapansin kong sa'king cellphone pala ang gamit niya.



"Hello, George." Bati ni Kean sa kabilang linya. Bahagyang nilayo niya ang cellphone sa tenga niya dahil sa ginagawang pagsigaw ni George na naririnig ko sa sobrang lakas.



"Bakit kasama mo si ate Jade?! Nasaan kayo?!" bakas sa boses ni George ang pagkaalarma na ikinatutuwa ni Kean.



"Tinawagan lang naman kita para kumustahin at nagkataon na dead bat ang phone ko kaya nakigamit ako ng phone ni Jade..."



Wala akong ideya sa pinagagagawa ni Kean na napaka-unpredicatable na tao. Hindi ko alam kung anong naglalaro sa malobo niyang utak.



Ilang beses kong tinangkang agawin sa kanya ang cellphone ko pero 'di ko magawa dahil sa sobrang tangkad niya.



"Nandito ako sa apartment niya." Muling sabi ni Kean sa kabilang linya. "Wala akong nakikitang masama sa pagbisita ko lalo na't single si Jade at single 'din naman ako."



"KUYA KEAN!!!" sigaw na pagtutol ni George mula sa kabilang linya. "Ex pa rin siya ng kuya ko na nagkataong pinsan mo! Mahirap bang intindih-"



"Kung matalino kang babae George, alam mo na kung anong gagawin mo. Bye, insan." At tinapos na ni Kean ang tawag na hindi ko naintindihan agad kung anong ibig sabihin ng huling sinabi niya.



Wala akong ibang reaksyon kundi ang mamilog ang mata. "Ano bang pinagsasasabi mo kay George? At bakit-"



"Aaalis na ako." biglang paalam ni Kean na mas lalong ikinalito ko. Hindi ko talaga mabasa kung anong laman ng utak niya.



Huminto siya nang nasa pinto na siya't handa ng umalis. "Huwag ka munang matutulog, Jade. Maya-maya lang, may bisita kang darating... at tiyak na ipagpapasalamat mong napadaan ako sa buhay mo."



Ano daw?




©POPLE



EX to the Nth PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon