Chapter 12
Mataas na ang sikat ng araw nang magising ako. Kahit papaano maayos na ang pakiramdam ng katawan ko na mabilis na bumuti 'di tulad ng puso ko na sariwa pa rin ang sakit. Malinaw pa rin sa alaala ko ang nangyari kagabi na imposibleng mabura ng ganoon kadali sa memorya ko. Pero tulad ng sabi ko, magiging okay din ako, hindi man ngayon pero baka bukas makalawa, sa susunod na linggo, o buwan. Ang importante, handa na akong gawin 'yon.
Nanakam ang sikmura ko bigla dala ng gutom. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang punan ang pangangailangan ng tiyan ko. Pagkain.
Dahan-dahan akong tumayo na wala ng hilong nararamdaman. Humakbang ako palabas ng kwarto, pero agad din akong natigilan.
Takot ang nanaig sa dibdib ko nang maramdaman kong may ibang tao sa loob ng bahay, partikular na sa kusina dahil sa naririnig kong ingay ng pagkilos.
Paano kung magnanakaw? Naalatma ako dahil posible iyon lalo na't tiyak kong nhindi ko nai-lock ang pinto.
Namuhay ang kaba sa dibdib ko. Naghanap ako ng pwedeng pang depensa sa sarili pero wala akong makita. Bago pa man ako makaisip ng maayos, lumabas na sa kusina ang isang tao.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi dahil sa magnanakaw ang nakita ko, kundi dahil sa hindi ko inaasahang makikita ko pa siya.
"Gising ka na pala. Nagluto ako ng agahan mo... halika na." yaya ni Geoff na suot-suot ang pink kong apron.
"Anong ginagawa mo dito?" tanging naging balik ko sa kanya habang hindi ko pa rin magawang makabawi sa pagkabigla. Nananaginip ba ako? O isa itong halusinasyon gawa ng sakit ko?
Ngumiti lang si Geoff saka lumapit sa'kin para hilahin ako sa mesa. Pinaupo niya ako at hinainan ng pagkain. "Kumain ka muna bago ko sasagutin ang tanong mo."
Ginawa ko na lang ang sinabi niya. Sumubo ako ng isa, niluniok saka nagsalita. "Pwede mo na bang sagutin? Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba pinuntahan si Phoebe kagabi?"
Kung hindi siya umalis dito kagabi, ibig sabihin ba niyon ako ang pinipili niya?
"Pinuntahan ko siya. Bumalik ako dito dahil hindi naman kita pwedeng pabayaan lalo na't may sakit ka at nag-iisa."
Kung kanina mabilis ang tibok ng puso ko, ngayon ay parang humihina na. Ba't ba lagi na lang akong umaasa sa kabila ng pagpapaalala ko sa sarili.
Binalikan lang niya ako dahil sa konsensiya sakaling may mangyaring masama sa'kin, 'yon lang 'yon! Wala ng iba.
"Kung ganoon, pwede ka ng umalis dahil magaling na ako. Hindi mo na kailangang makonsensiya." Saad ko sabay tayo para pagbuksan siya ng pinto. "Makakaalis kana. Salamat na lang."
Lumapit sa'kin si Geoff at nasurpresa na lang ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako!
Para akong estatwang di makagalaw sa pagkabigla. Aaminin kong gusto ko ang pakiramdam na nakakulong sa matitigas na braso niyaa. Gustong-gusto kong yumakap pabalik at damhin na lang ang momento namin, pero hindi... alam kong mali.
Tinulak ko siya, pero muli lang niya akong niyakap na mas humigpit. Kahit anong sunod na pagtutulak ko sa kanya, hindi siya natitibag.
"Ano ba, Geoff!" patuloy ang pagpalag ko na wala rin namang saysay dahil walang epekto y'yon sa kanya. "Geoff, mali 'to! May Girlfriend ka! Kung iniisp mong papayag akong maging babae mo, nagkakamali ka. Ayokong makisiksik sa relasyon niyo kahit pa sobra-sobra kitang mahal."
Biglang bumitaw si Geoff matapos ang sinabi ko na mukhang gumana sa kanya, pero hindi ko maintindihan kung bakit maluwang ang ngiti niya.
"Kung ganoon, wala pala talaga akong dapat ipagselos kay Kean. Salamat dahil sobra-sobra mo akong mahal." At muli na naman niya akong niyakap. "Mahal din kita, Jade. Mahal pa rin kita. Mas mahal na kita ngayon."
Sunod-sunod na kabog ng dibdib ang naramdaman ko na hindi ko pabrin malaman kung matutuwa... pinaglalaruan ba niya ako?
"Pinaglalaruan mo ba ako?" naisatinig ko ang eksaktong laman ng utak ko.
"Hindi."
"Sabi ko naman sa'yo, ayokong maging pangalawa mo, ayokong maging babae mo-"
"Hiwalay na kami ni Phoebe." Putol niya sa'kin. "Nakipaghiwalay na ako sa kanya kagabi kaya ko siya pinuntahan."
Parang hindi ko magawang makahinga ng maayos sa narinig ko. Nangyayari ba talaga ito ngayon?
Sa ilang minutong hindi ako makakibo, muli siyang nagsalita.
"Ikaw ang pinipili ko, Jade. Hindi ko makayanan na nakikita kita kasama ni Kean. Nanggigigil ako sa galit sa tuwing hinahawakan ka niya o napapatawa. Noong una, akala ko wala lang 'to... akala ko normal lang na magselos ako dahil ex kita at kahit papaano may nakaraan tayo... pero habang tumatagal lumalakas 'tong selos na nararamdaman ko na para akong kakainin ng buhay sa tuwing wala akong ginagawang pagkilos para pigilan kayo. Kahit ako, nagugulat din ako sa sarili ko dahil ni minsan di ko naramdaman ang ganitong klaseng init ng selos noon kahit kanino, kahit noong tayo pa. So, I guess, iba na ang tama ko sa'yo ngayon Jade Imperial."
Habang sinasalubong ko ang mga tingin ni Geoff, para akong natutulalang wala pa ring masabi kahit isang letra.
"Jade, hindi ka man lang ba magsasalita?" tanong niya sa'kin na parang malapit ng maalarma. "Huwag mong sabihing nagdadalawang isip kang tanggapin ulit ako?"
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Maraming rason kung bakit kailangan mo akong sagutin ngayon..." kumpyansang sabi niya na sinusubukang kumbinsihin ako. "Pamilya mo na ang pamilya ko. Hindi ka mabubuhay na wala sila tulad ng di mo pagkabuhay na wala ang isang tulad kong gwapo, matalino, mayaman, macho, maasikaso, at masarap magmahal."
At sa isang iglap, napatawa na lang ako bigla sa sinabi niyang 'yon. May pagkahambog at mayabang talaga ang dating niya pero hindi naman ako tututol sa mga sinabi noya na sadyang may katotohanan naman talaga kasi.
"Ganoon din naman si Kean. Dagdag pa na may sense of humor siya at gentleman, bagay na wala sa'yo." Sagot ko na di ko mapigilang asarin siya.
Awtomatikong kumunot ang noo niya at nagsalubong ang kilay sa pagbanggit ko lang sa pangalan ni Kean at pagkukumpara ko. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Nasisiyahan ako sa nakikita kong reaksyon niya.
"Jade, hindi ko matatanggap ang alin man sa sinabi mo na parang puring-puri mo siya. Ako pa rin naman ang mahal mo diba? Ako lang at walang kahati?"
Tuluyan na akong bumigay at natawa. Sadyang hindi ko siya kayang tiisin. "Oo na po. Mahal din kita Geoff Ravena. Ikaw lang at walang kahati. Noon hanggang ngayon."
Sumilay ang ngiti sa labi niya. "Good. That's my girl."
At hinalikan na niya ako na matagal-tagal ko ring namiss.
-the end-
©robemelbernal/POPLE
(written: May 3-7, 2016)
BINABASA MO ANG
EX to the Nth Power
Cerita PendekHiwalay na si Jade kay Geoff. Ex na lang niya ito. Pero hindi sa paningin ng ina at kapatid nito. Kaya kahit anong pilit niyang magmove-on, nahihirapan siya dahil sa koneksyong hindi maputol-putol sa pamilya nito na sila na mismo ang gumagawa ng par...