Chapter 6
Hinayaan ko na lang lumabas ang lahat ng luhang meron ako nang matiyak kong mag-isa na lang ako malayo kay Geoff.
Hindi ko alam kung paano iindahin ang sakit na nararamdaman ko. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, alam ko sa sarili ko kung bakit ako masyadong apektado't nasasaktan... hindi pa ako nakakapagmove-on sa kanya. At di ko alam kung magagawa ko.
"Okay ka lang? May nangyari ba?" tanong ni Kean na may pag-aalala. Nakita kong sinuri ng mata niya ang katawan ko mula ulo hanggang paa para icheck kung wala akong galos o ano man.
"Ayos lang ako." agarang sagot ko bago pa man niya isiping minolestiya ako o kung ano pa man. "Walang nanakit sa'kin."
Mukhang nahalata rin naman niya ang pag-iwas ko ng tingin sa kanya kaya hindi na siya muling nag-usisa pa.
Nagmagandang loob na lang siya na sinuot sa'kin ang jacket niya saka sinamahan akong bumalik sa loob para hanapin si Georgina.
"Ate Jade, kanina pa kita hinahanap." Salubong sa'kin ni George, actually gusto ko sanang magpaalam na sayo at ganoon na rink ay tita. Uuwi na ako."
"Bakit? Sabi ko naman sa'yo, tatlong araw pa tayo dito..."
"Nandito si Geoff. At nagalit siya nang makita niya ako dito."
Kumunot ang noo ni George. "Bakit siya nagagalit? Hindi ka naman nandito para sa kanya kundi para magsaya kasama namin. Wala namang-"
"George, alam ko na gumagawa ka -kayo ni tita ng paraan para magkabalikan kami ng kapatid mo tulad na lang ngayon." Tinignan ko siya na may pagsuko. "George, Let's stop this... Pakawalan na natin pare-pareho ang ang ideyang magkakabalikan pa kami ng kuya mo."
"I'll admit," dagdag na pag-amin ko. "Malaking parte sa loob ko umaasa din. Simula noong naulit ang pagpunta ko sa bahay niyo, nabuhay ulit 'yong paghahangad kong mabalik ang meron kami noon ni Geoff. But just now, nang kinompronta niya ako, I realized na ayoko ng maghabol tulad ng dati. Mas nasasaktan lang ako."
"Sorry, ate Jade..." nakayukong sabi niya na hindi ko na natiis na yakapin.
"Pero salamat pa din, George." Dumaloy na ang luha sa pisngi ko. "Naramdaman ko na tinuring niyo talaga akong parang tunay na pamilya. Napamahal na kayo sa'kin ni tita. Sobra."
"Huwag mong sabihing..." garalgal ang boses niya na tuluyan na ring naiyak habang mas humigpit ang yakap sa'kin.
"I have to. Kailangan ko na rin kayong pakawalan para na rin mas maging madali sa'kin ang makalimot sa nararamdaman ko sa kanya. At ipangako mo rin sa'kin na magpapakabait kana kay Phoebe o sa kahit na sinong babaeng mamahalin ng kuya mo... pwede ba 'yon?"
Hindi agad sumagot si Georgina kaya inulit kong muli ang sinabi ko. "Pwede ba?"
"Ate naman... Ang hirap naman niyan."
Kumalas ako sa pagkakayakap para harapin siya't tignan sa mata. "George, mangako ka..."
Wala na rin siyang nagawa kundi ang pumayag sa pamamagitan nga lang ng tango.
"Good girl." Nangingiting sambit ko habang parang tinutusok ang dibdib ko.
Pakiramdam ko mas masakit ang pakikipaghiwalay na nararanasan ko ngayon kaysa noong nakikipaghiwalay sa'kin si Geoff. Parang nangangahulugan lang talaga kasi ito na wala na talaga.
"Pero, ate..." muling tawag ni George na mahigpit ang hawak sa kamay ko na parang wala siyang balak pakawalan. "Pwede bang humiling ako sa'yo ngayon...?"
Tumango ako bilang pagpayag at hudyat na ipagpatuloy niya ang sasabihin.
"Huwag ka munang umalis ngayon. Pwede bang bukas na lang, ate? Gusto pa kitang makasama ng matagal bago maputol ang kung ano mang koneksyon natin... pwede ba?"
Puno ng pakiki-usap ang mukha't tinig nito na hanggang ngayo'y nahihirapan pa rin akong tanggihan.
"Okay."
may kakayahang pasayahin at pakiligin ako ng vote mo. muwah.
©POPLE

BINABASA MO ANG
EX to the Nth Power
Cerita PendekHiwalay na si Jade kay Geoff. Ex na lang niya ito. Pero hindi sa paningin ng ina at kapatid nito. Kaya kahit anong pilit niyang magmove-on, nahihirapan siya dahil sa koneksyong hindi maputol-putol sa pamilya nito na sila na mismo ang gumagawa ng par...