Chapter 5
"Reunion?!" halos malaglag ang pangang tanong ko kay George pagkarating namin sa isang Resort. Mga kamag-anak nila ang isa-isang sumasalubong sa'min, bagay na hindi ko inasahan.
Kahapon lang, inimbitahan ako ni George at ni tita Angie na mag-outing. Kinulit pa nga nila ako ng ilang beses mapapayag lang ako. Pero di ko naman inasahan na reunion nilang pamilya ang outing na sinasabi nila.
Wala akong kakilala sa mga angkan nila at lalong hindi ako kadugo para mapasama sa kanila. Kung alam ko lang. Kung sinabi lang sa'kin ni George, di nila ako mapipilit sumama dito.
Napansin din naman agad ni George ang kakaibang reaksyon ko kaya inunahan na niya ako. "Don't worry ate Jade, inimbitahan ka namin ni mommy. You're like a family to us."
Ano pa nga ba ang magagawa ko, nandito na ako. "Hindi naman siguro pupunta dito si Geoff, right?"
Ayokong bigyan siya ng rason para isipin niyang lumalagpas na ako sa limitasyon na binigay niya.
"I doubt it. Bihirang-bihira lang naman siyang sumipot sa mga ganitong okasyon."
That's a relief.
Sa tuluyang pagpasok namin, halos kalahati lang ang naipakilala sa'kin ni George na kamag-anak nila dahil sa sobrang dami. Pero ganoon pa man, naging komportable na rin ako sa kanila makalipas ang ilang oras na pakikipagsalamuha.
"Siguradong hindi ka namin kamag-anak?" tanong sa'kin ni Kean na kakikilala ko rin lang sampung minuto ang nakakalipas. First cousin siya ni Georgina na minsan lang magbakasyon kaya parang tulad ko rin lang siyang hindi pamilyar sa mukha ng mga taong sumipot.
"Hindi nga." Natatawang sagot ko dahil sa kakulitan niya. "Patunay na kulay ko na kitang-kitang naiiba sa mga balat niyong mapuputi."
May katotohanan ang sinabi ko dahil morena lang naman ako, samantalang mga mestizo't mestiza ang lahi nila.
"I like morenas." Saad niya na napaghahalataang bolero. Tumabi siya sa'kin na nakaupo sa gilid ng pool habang ang paa lang ang nakalublob sa tubig.
"Pinopormahan mo ba ako?" pabirong tanong ko sa kanya dahil kanina pa niya ako 'di nilulubayan.
"What if I am?" balik niya na ikinatawa ko.
"Palibhasa ako lang ang hindi kapamilya mo dito na pwedeng mapormahan. Lalake nga naman talaga."
Muling bumanat pabalik si Kean pero 'di ko masyadong nakuha ang sinasabi niya dahil natuon ang atensyon ko kay Geoff na 'di ko agad napansin kanina ang presensiya mula sa 'di kalayuan.
Malinaw na nasa aking direksyon nakatutok ang mga mata niya na mukhang kanina pa ako tinitignan. Salubong ang kilay na nilapitan niya ako. "Let's talk."
Hindi ko alam kung anong nasa isip niya, pero sigurado akong galit siya dahil sa pakikisiksik ko sa reunion ng pamilyang hindi ko kaano-ano.
Ginala ko ang paningin ko na umaasang may Georgina o tita Angie na susuporta sa likod ko, pero parehong wala sila sa naaabot ng paningin ko. Wala na rin akong nagawa kundi ang sumunod kay Geoff.
"Tigilan mo na 'to, Jade." Kalmado at mapag-utos na tinig ni Geoff nang makalayo kami sa karamihan.
"Ang alin?"
"Pwede ba, Jade... Just stop this."
"Sa maniwala ka't sa hindi, hindi ako nagpapabango o sumisipsip sa kapatid mo o kay tita Angie kung 'yon ang iniisip mo. Wala rin silang ginagawang hakbang para pagpilitan pang magkabalikan tayo."
"Kung ganoon, bakit ka nandito ngayon? Hindi ba 'to isa sa mga hakbang o plano niyo?" tumaas na ang boses ni Geoff na iba kanina.
"Hindi ko alam na sisipot ka. Duda rin si George na makakarating ka-"
"Sinungaling." Putol niya sa'kin sa matigas na tono. "Alam ni George na pupunta ako. Tinawagan pa nga niya ako kanina para paalalahanan akong hindi makalimutang sumaglit dito."
Hindi ako makapagsalita agad. Kahit pa sabihin ko sa kanya ang totoong wala akong alam, 'di rin naman niya ako paniniwalaan.
"Jade, we both know na hindi mo na kailangan pang magsipsip sa pamilya ko para magustuhan ka nila dahil matagal mo ng nakuha 'yon. Nasa sa'yo na ang boto nila. Pero sa huli, ako pa rin naman ang magdedesisyon. At malinaw na rin naman sayo kung anong desisyon ko diba?"
Hindi na kailangan pa ng elaborasyon ang eksaktong gustong ipahatid sa'kin ni Geoff.
"Naiintindihan ko." Halos parang bulong na sagot ko dahil sa bumabarang lalamunan ko. Hangga't maaari, ayokong umiyak sa harapan niya. Hindi ko hahayaan ang sarili ko.
©POPLEplease vote. muwah.
BINABASA MO ANG
EX to the Nth Power
Short StoryHiwalay na si Jade kay Geoff. Ex na lang niya ito. Pero hindi sa paningin ng ina at kapatid nito. Kaya kahit anong pilit niyang magmove-on, nahihirapan siya dahil sa koneksyong hindi maputol-putol sa pamilya nito na sila na mismo ang gumagawa ng par...