Chapter 2
Hindi ko alam kung matutuwa o matatawa ako sa minutong magtagpo kami ni Georgina sa Maddielim Cafè. Paano ba naman kasi, halos mangiyak-ngiyak siya sa harapan ko habang makailang ulit na nag-sorry para sa kapatid niya.
Ang totoo, ito rin ang dahilan kung bakit ilang beses ko noong tinanggihan ang pakikipagkita ni Georgina at tita sa'kin. Ayoko silang nakikitang ganito na masyado pa ring apektado sa paghihiwalay namin ni Geoff.
"Tigilan mo na nga 'yang pag-sorry, George. Wala kang kahit isang kasalan sa'kin... o kahit ang kuya mo." Saad ko na may katotohanan. "Hindi niya kasalanang ma-fall out of love sa'kin. Nagising na lang siyang wala ng nararamdaman at kailangan ko na lang 'yong tanggapin. Well, at least, hindi siya nagloko."
Sa madaling sabi, nagsawa na siya sa'kin. Dagdag ng utak ko na hindi ko magawang isatinig. Naging masakit sa'kin noong nakipaghiwalay siya sa'kin. Mahirap man siyang pakawalan pero kinailangan... hindi naman pwedeng iisa lang akong nagmamahal.
Pero kahit papaano, wala na rin naman akong galit na nararamdaman para sa kanya. Naging tapat lang siya.
"Pero ate, gusto kong marealized niyang mali siya. Paano niya nagagawang sayangin ang pagsasama niyo ng ganoon na lang? You are so perfect for him. Pero 'di pa naman kami ni mommy nawawalan ng pag-asang matatauhan 'yan si Kuya... Kaya sana naman, ate, ikaw din. 'Wag kang bibitaw please..."
"George..." suway ko sa kanya. "Tanggap ko na. Kayo na lang ni tita ang hindi pa makatanggap."
"Does it mean, 'di ka na umaasang magkakabalikan kayo ni Kuya"
Inabot ko ang kamay ni Georgina para alisin ang nakikita kong paglitaw ng disappointment sa mukha niya. "Ang sinasabi ko lang... pare-pareho tayong masasaktan kung pagpipilitan nating umasa na bumalik ang lahat sa dati. Nakapagmove-on na ako... ikaw din dapat, kayo ni tita."
Bagaman dalawang taon ang tanda ko kay Georgina, alam kong matalinong babae siya para maintindihan ang pinapaintindi ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang tumango na may pag-intindi pero 'di nawawala ang parang lumukot na mukha niya. "Para ka na ring nakikipagbreak sa'min ni mommy. Nangangahulugan lang na hindi kana rin namin makikita."
"Sinong nagsabing hindi?" agad na sabat ko. "Eto nga ako ngayon, diba? Nasa harap mo't nakikipag-usap. Matatawagan mo pa naman ako just like the old times."
Umaliwalas agad ang mukha niya. "Talaga? Magagawa pa rin natin ang ginagawa natin tulad noong dati?"
"Oo naman."
"Kung ganoon, punta ka sa bahay bukas. Para naman matuwa si mommy. Gusto ka rin sana niya ngayong makita kaso may importanteng appointment siya ngayon. Pero 'di mo alam kung gaano ka niya gustong makita. Nakakamiss naman kasi 'yong girl bonding natin na magkakasamang nagsho-shopping, nagpapa-spa, at nagpapa-"
"George..." pag-aawat ko sa kanya. Hindi ko inakalang ganito ang kahihinatnan ng pagpayag ko. Alam kong maglilimang buwan na kaming hiwalay ni Geoff at nakapagmove-on na rin ako tulad ng sabi ko, pero parang hindi naman tamang bibisita pa ako sa bahay nila.
"Hindi ako pwede bukas eh." Pagdadahilan ko na lang na alam kong isang mahinang klaseng dahilan.
"Kung ganoon, sa susunod na bukas." Sagot niya na alam kong hindi magpapaawat.
Nang hindi ako agad nakasagot dahil wala rin talaga akong maisagot, mukhang naintindihan din niya agad ang pag-aalangan ko.
"Okay, kung ganoon..." Ngumiti si Georgina saka muling nagsalita. "Sisiguraduhin kong wala si Kuya sa oras na pumunta ka sa bahay."
At napangiti na lang ako sa kakulitan niya. "Okay."
©POPLE
![](https://img.wattpad.com/cover/70938974-288-k954637.jpg)
BINABASA MO ANG
EX to the Nth Power
Cerita PendekHiwalay na si Jade kay Geoff. Ex na lang niya ito. Pero hindi sa paningin ng ina at kapatid nito. Kaya kahit anong pilit niyang magmove-on, nahihirapan siya dahil sa koneksyong hindi maputol-putol sa pamilya nito na sila na mismo ang gumagawa ng par...