Chapter 8

750 36 0
                                    

Chapter 8

"Pwede ko na bang mahingi sa'yo ang premyo ko?" pagsisimula sa'kin ni Kean matapos lang nang makaalis si George.

Malinaw na ang hinihingi niyang halik ang tinutukoy niya. "Sa tingin mo ba papaya-"

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil mabilis siyang nagnakaw ng halik sa pisngi ko saka nagpalabas ng isang malapad na ngiti.

"Ikaw-"

"Sorry but I'm not sorry." Putol niya sa'kin. "Maliit na bagay lang naman 'yan kaya 'wag mo ng gawing malaking issue... unless, may gusto ka na rin sa'kin."

"Aba, talaga nam-"

Muling naputol ang sasabihin ko pero sa pagkakataon nga lang ito, hindi na si Kean ang sumingit, kundi si Geoff na hindi ko namalayang nasa likod ko na pala.

"Jade, sumunod ka sa'kin." Malamig na utos ni Geoff na hindi pa rin nawawala ang masamang tingin niya tulad kanina.

Sa pangalawang pagkakataon, wala na naman akong nagawa kundi ang sumunod sa utos niya. Kung kikilatisin, mas nakakatakot ang itsura niya ngayon kaysa noong unang kinompronta niya ako.

Ang totoo, ngayon ko lang siya nakitang ganito na parang anumang oras ay sasabog...

"Umuwi ka na!" panimula ni Geoff nang tumigil siya't humarap sa'kin nang nasa 'di kalayuang lugar na kami.

Hindi na ganoon kakalmado ang boses niya na para bang napakalaking kasalanan ang nagawa ko.

Naiinis man ako, pero ayokong makipagtaasan ng init ng ulo sa kanya. Nagpakamahinahon lang akong sumagot. "Aalis naman talaga ako... pinagbibigyan ko lang si Geor-"

"I said leave. Umuwi ka na, right now dahil hindi ka naman kailangan dito."

Kiniyum ko ang mga daliri ko sa pagpipigil ng pasensiya't emosyon. Gustong-gusto kong sumagot ng pasigaw sa kanya, pero natatakot akong maging emosyonal at makapagpakawala ng iyak. Kaya papayag na lang ako sa gusto niya...

"Sige, pero magpapaalam lang ako sa kay George at tita-"

"Huwag na. Ako na ang bahalang magsabi sa kanila na umalis ka na." sandaling tumigil si Geoff na dumukot ng pera sa bulsa at inabot sa'kin. "Take a cab. Kaya mo na rin naman ang sarili mo."

Walang makakapagsabi kung gaano ako nasasaktan sa mga oras na kaharap ko si Geoff at ginagawa sa'kin ang bagay na hindi niya nagawa sa'kin noon. Alam kong maraming imperpeksyon ang ugali't personalidad ni Geoff na tanggap ko't kaya kong pakitunguhan, pero hindi naman kami umabot sa ganitong punto noon na halos pagtulakan niya ako sa hindi magandang paraan.

"Sige." Mabilis na sagot ko nang hindi na humaba pa ang pakikipag-usap ko sa kanya. 'Di ko na siya matagalan pa.

Nang tatalikod na ako para umalis, bigla kong nakita si Kean na hindi ko inakalang sumunod din pala sa'min. Puno ng katanungan ang mukha niya na nalalabuan sa kung ano mang narinig niya. Pero nagsalita pa rin siya sa bagay na tanging naintindihan niya.

"Uuwi ka na?" tanong niya na nilipat din ang tingin kay Geoff nang hindi ko siya sinagot. "Hindi ko alam kung anong meron dito sa inyo pero insan, that's too rude and mean. Babae pa rin siya."

Hindi ko madaling naalis ang tingin ko kay Kean na nakakasurpresang hindi lang pala puro biro, pambobola't kalokohan ang alam.

Hindi pinansin ni Geoff ang sinabi ni Kean, nakatuon lang sa'kin ang atensyon niya. "Jade, Leave. Now."

Hahakbang na sana ako para gawin ang pag-alis na kanina ko pang gustong gawin nang humarang sa dadaanan ko si Kean saka nagsalita. "Ihahatid na kita..."

Mas lalong hindi inaasahan 'yon kay Kean na lagi na lang akong nasusurpresa sa mga kilos niya. Kapansin-pansin ang malaking kaibahan ng dalawang pinsan na nagkataong magkasalungat ang ugali.

Balak ko sanang tanggihan si Kean sa alok nito pero naisip ko rin kung gaano ko na gustong makaalis ng lugar na 'to at makauwi agad ng bahay. Kaso bago pa man ako makatango bilang pagpayag kay Kean, bigla na lang may humatak ng braso ko. Si Geoff.

"Ako na." matipid na sambit niya sa malamig pa ring boses.

Ihahatid niya ako? e, kanina lang... Natigil ang napapalalim na pag-iisip at pag-aanalisa ko nang namalayan ko na lang na nasa harapan na kami kung saan nakaparada ang kotse ni Geoff.

Magpoprotesta sana ako nang hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Napakadali lang sa kanyang pwersahang ipasok ang magian kong katawan sa loob ng sasakyan niya.

"Pwede mo na akong ibaba kahit saan diyan sa tabi." Matigas na saad ko kay Geoff sa kalagitnaan ng mabilis na pagpapatakbo niya ng sasakyan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela na napagbubuntungan niya ng panggigigil.

Kalmad na may pagkamalamig ang pagkakakilala ko sa pagkatao ni Geoff, kaya ngayon ko lang siya nakitang umakto ng ganito na hindi ko rin maintindihan ang lalim ng pinanggagalingan.

Ganoon na ba kalala ang atraso ko sa kanya para magalit siya ng sobra? May iba pa ba akong kasalanan sa kanya na di ko alam?

"Ang sabi ko, ibaba mo na lang ako sa tabi." Pag-uulit ko sa kanya pero umakto rin lang siya na parang walang narinig. Nakatuon lang siya sa pagmamaneho at 'di man lang nagsalita hanggang sa marating din namin ang tinutuluyan ko.

Sa paghinto ng sasakyan sa mismong tapat ng apartment ko, minabuti ko na rin lang na hindi siya kibuin tulad ng ginagawa niya. Walang lingon sa kanya na binuksan ko ang pinto para bumaba nang...

"Sorry."

Sandaling napatigil ako sa narinig ko pero 'di ko siya nilingon. Hinintay ko lang kung may sasabihin pa siya, at nang wala na, tuluyan na akong kumilos pababa ng sasakyan at agarang sinara ang pinto pasara.

Dire-diretsong nagmartsa ako papasok ng gate. Narinig ko lang ang pag-alis ng sasakyan niya nang masigurado niyang nakapasok na ako sa loob na tulad lang noon.

Hindi ko na alam kung anong eksaktong nararamdaman ko na parang nagkagulo-gulo na. Kung kanina nag-uumapaw na ang galit ko kay Geoff, ngayon naman ay parang nalusaw 'yon matapos lang na makatanggap ako ng sorry mula sa kanya.

May pakialam pa rin pala siya kahit papaano sa'kin.

Gayon pa man, ito na ang huling pagkikita namin, ganoon na din sa pamilya niya na mamimiss ko ng sobra-sobra.


vote? *puppy eyes*
©POPLE

EX to the Nth PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon