Chapter 11

949 30 2
                                        

Chapter 11



Isang linggo na ang nakararaan matapos ang huling pagkikita namin ni Geoff. Wala na akong muling narinig pa mula sa kanya matapos iyon. Kahit pa sabihing sigurado akong selos ang nakita ko sa kanya nang mga oras na 'yon, hindi na ako kikilos pa ng hakbang para ipaglaban ang nararamdaman ko... dahil kung mas matimbang talaga ako sa kanya, pipiliin niya ako.



Dapat simulan ko na talagang tanggapin na para siya kay Phoebe.



Nabaling ang tingin ko sa kanina pang pagtunog ng cellphone ko. Nangungulit na naman si Georgina ng tawag, sa halip na sagutin, 'di ko na lang ulit pinansin. Kaarawan niya ngayon at nagyayaya siyang pumunta ako sa maliit na party sa bahay nila.



Hindi na ako dapat pumunta pa.



Sa ikaanim na tawag ni George, wala na akong nagawa kundi ang sagutin siya. "George, hindi ako makakapunta ngayong birthday mo. I'm sorry pero medyo masama ang pakiramdam ko." Kahit papaano may katotohanan ang pagdadahilan ko dahil kahapon pa ako nananamlay na parang lalagnatin.



"Pero, ate Jade, hindi kumpleto ang espesyal na araw kong 'to kung wala ka. Pumunta ka na please... Kung si Kuya ang inaalala mo, don't worry, nagpaalam na ako sa kanya at 'di niya ako natanggihan dahil 'yon lang ang nag-iisang kahilingan at gift na hinihingi ko sa kanya."



"Pero George-"



"Sige na ate, susunduin na lang kita diyan para 'di ka makatanggi. I'll be there in a minute. Bye." At tinapos na nga niya ang tawag.



Wala na naman akong nagawa kundi ang pumayag nang tinotoo nga ni George ang sinabi niya. Ilang minuto lang nasa apartment ko na siya para sunduin ako. Nagkapilitan pa ng ilag oras bago ako tuluyang napasama sa kanya.



Pagdating sa bahay nila, medyo marami rin ang pumuntang mga tao sa party. Ilan ay kaibigan, kaklase at kamag-anak. Hindi rin nawala sa okasyon si Phoebe na inaasahan ko rin namang naroon.



Hindi ako nagdididikit o napapalapit man lang sa area kung saan naroon ang dalawang lovebirds. Hangga't maaari naroon ako sa lugar na hindi ko sila maabot ng tingin.



"You're here!" bati sa'kin ng pamilyar na boses. Ngiti ang unang pinangbati ko nang nilingon ko siya.



"Nandito ka rin pala..." balik ko kay Kean na huli ko ring nakita noong isang linggo tulad ni Geoff.



"Kawawang nilalang..." umiiling-iling na sabi niya sa'kin sa mapanuksong paraan. "So, it didn't work, huh." Tukoy niya sa walang nangyaring pagtulong niya na magkabalikan kami ni Geoff.



"Mahina ka kasing kupido. Palpak." Birong sagot ko na nahawa lang naman sa kanya. Aaminin kong masarap siyang kasama't kausap. Nakakainis man siya sa simula pero nakakatuwa na rin kapag nakasanayan na siya.



Lumapit siya sa tenga ko saka nagsalita ng malakas. "Hindi ako ang mahina! Gago lang talaga ang pinsan ko para palagpasin ka. Pero kung mapilit kang magkalovelife, sige pagbibigyan kita... pwede naman ako. Ano, ako na lang?"



Isang malakas na tawa ang napakawalan ko dahil sa sinabi niya. Kahit na matamlay ang pakiramdam ko, parang nabuhayan na rin kahit papaano dahil sa kanya. Huli ko na ng mapansing nakuha ko na pala ang atensyon ng lahat na napapalingon sa direksyon namin. Natigilan tuloy ako at nahiya.



"Okay lang 'yan, itawa mo lang..." saad ni Kean na makahulugan ang mata. "It's working..."



"Ang alin?" nalilitong tanong ko sa kanya. Napansin kong nakatuon ang mata niya sa bandang likod ko, nang titignan ko sana para alamin, pinigilan niya ang ulo ko.

EX to the Nth PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon