Chapter 7

722 32 0
                                    

Chapter 7

Dahil sa paki-usap ni Georgina, nanatili ako kahit na mahirap sa'kin na salubungin ang bawat masamang titig na natatanggap ko kay Geoff tulad ngayon.

Hindi ko magawang makapagsaya ng maayos kasama si George, Kean at tatlo pang pinsan nila habang ramdam ko ang tumatagos na titig ni Geoff kahit pa nasa malayo siya.

Hindi ba pwedeng palagpasin na lang niya 'to? Di mapigilang reklamo ng utak ko na hindi ko magawang isatinig. Gusto ko lang naman ang magsaya at pasayahin si George bago ako tuluyang mabura sa buhay niya.

"Jade, concentrate!" sigaw sa'kin ni Kean na nagpagising sa diwa ko. Nasa kalagitnaan nga pala kami ng kayak race. Iisang team kami ni George at Kean habang sa kabilang team na siyang kalaban namin ay ang tatlong pinsan nila na 'di ko na naman maalala ang pangalan.

"Kapag natalo tayo, may isang halik ako sa'yo." Muling saad ni Kean na nagagawang magbiro sa kabila ng seryosong pagkatuon nito sa pagpadel.

"Hoy, Kuya Kean! Tigilan mo nga si ate Jade!" sita ni George na 'di pinalagpas ang narinig.

"Cool lang George, Motivation lang naman ang ginagawa ko kay Jade!"

Nabaling na kay Kean ang atensyon ko habang 'di ko mapigilang matawa. "Motivation? Kung ganoon gumagana ang strategy mo Kean, ginaganahan na ako ngayon hindi para manalo, kundi ang di ka mapagbigyan sa gusto mo."

Sa isang iglap, binuhos ko na ang buong lakas ko sa pagpadel. Pumantay na kami sa kabilang team na kanina lang ay nangunguna. Kaunti na lang, malapit na kami sa finish line. Pero kung kailan nangunguna na ang team namin, saka naman biglang bumagal ang takbo namin.

Pareho kaming napatingin ni George kay Kean na siyang dahilan ng pagbagal. Maluwang ang ngiti niya matapos itapon ang sariling padel. Sabotahe sa sariling team?

"Sorry." Malapad pa ring ngiti niya. "Pero mas gusto kong makakuha ng halik sa isang magandang dilag kaysa ang manalo sa race na 'to."

"KUYA KEAN!"

Isa at maraming hampas sa ulo ang natanggap ni Kean mula kay George na ikinatawa ko ng halos walang tigil. Priceless kasi ang mukha ni Kean na hindi inasahan ang pagiging violente ng sariling pinsan.

Inabot ni Kean ang kamay niya sa'kin at kay George para alalayan kami sa pagbaba nang maitabi na ang kayak.

"Ang arte mo Kuya Kean!" sabat ni George na pinupuna ang bawat kilos ng pinsan niya. "Kaya na naming bumaba nang mag-isa na hindi hinihingi ang tu-"

Hindi natapos ni George ang sinasabi niya nang madulas siya sa pagbaba at diretsong bumagsak sa tubig.

"See? Huwag kasing matigas ang ulo." sambit ni Kean na pinipigilang magpakawala ng tawa. Angkang tutulungan niya ang pinsan nang mabilis na ring nakatayo si George habang namumula sa hiya. Marami rin kasing nakakita sa epic na pagkabagsak niya sa mababaw na tubig.

Tinanggap ko na ang kamay ni Kean dahil sa takot kong matulad kay George na nadulas. 'Yon nga lang, 'di agad pinakawalan ni Kean ang kamay ko kahit na matagumpay na akong nakababa.

Sinalubong ko ang mukha niya na nanunukso, sa halip na mainis, natawa na naman ako dahil nahampas na naman siya sa ulo ni George.

"Tigilan mo sabi si ate Jade!" utos nito na tumigil lang sa panghahampas nang bitawan na rin ako ni Kean.

Bumaling si Kean kay Georgina na hindi ko makitaan ng pagkapikon sa kabila ng mapanakit na hampas ng pinsan. "George, ba't ba masyado kang protective kay Jade? 'Wag mong sabihing type mo rin siya?"

"Hindi ako tibo!" naiinis na sagot ni George. Nabawasan ang pamimisikal niya kay Kean nang makaramdam siya ng pangangati sa katawan dulot na rin siguro nang pagbagsak niya kanina sa tubig.

"Magpapalit muna ako." paalam ni George nang hindi na niya matagalan ang pangangati. Pero bago siya tuluyang tumalikod, nagawa pa niyang magbanta sa pinsan. "Umayos ka kuya kean diyan! 'Wag na 'wag kang makahawak ulit kay ate! Babalik lang ako!"



vote? :)
©POPLE

EX to the Nth PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon