Solipsism

64 10 3
                                    

It is May 5 already but I am not in the mood to update my story because my mind is fcking with me.

For others, the title of this entry is a bullcrap philosophy, but trust me, it happens.

Solipsism syndrome refers to a psychological state in which a person feels that the world is not external to their mind.

Naalala ko nung grade 4 ako, tinanong ko kung ako ba talaga ang nasa katawan ko. Kung may ibang tao ba ang nagmamay-ari nito. I spent hours crying inside the bathroom all because of this. Wondering if this is just an imaginary world. Nagpaulit-ulit ito hanggang sa gr-um-aduate ako ng elementary.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa utak ko. Sa sarili ko.

Some of you may know about him, my first love na iniyakan ko only for hours because of what he did. Crazy right? Nakamove on ako sa loob lang ng isang araw pero minahal ko talaga siya ng lampas isang taon. Why? It is because solipsism took all over my body that time.

Sa totoo lang, iniyakan ko siya para lang mapatunayan kung totoo pa ba ako. Kung capable pa ba ako na may maramdaman. Iniyakan ko siya dahil sabi ng mga kaklase ko na normal lang yun pag nasasaktan. Syempre, ayaw ko namang maleft out kaya iniyakan ko. Pinilit kong umiyak para lang makaramdam.

That lasted for about three months. Nginingitian ko sila pag nakakasalubong ko. Pag binabanggit ang pangalan niya, sinasabi ko na wala akong paki kung ano ang nangyari. Which is true during that time. Para sa akin, di siya nag-e-exist. Silang lahat. Sabi nila, bitter lang daw ako pero hindi eh. Alam ko sa sarili kong di totoo yun.

Hanggang sa matapos ang tatlong buwan, doon ko na naramdaman yung sakit. All because of solipsism. Silly right? Doon lang ako nasaktan, dahil nagflashback sa akin lahat ng nangyari. Parang inipon lahat. Tipong temporary pain reliever lang ang syndrome na yun.

Other than that, nawalan ako ng interes na mag-aral noong grade 10 ako. Last quarter, instead na magsipag ako since running for honors ako ay tinamad ako. Last quarter pa talaga, kung kailan pa matataas ang ranking ko mula first to third quarter at marami akong extra curricular. Nawalan ako ng pakialam. Hindi ko rin alam kung bakit. Hindi ko inintindi ang sinasabi ng parents ko. Para bang nawala yung eagerness ko na mag-valedictorian kahit na simula pa noong mas bata pa ako ay ibinibigay ko na lahat. All because inatake na naman ako nitong syndrome na 'to.

Noong malaman ko yung final ranking, doon ako nadisappoint ng husto, kasi wala akong kontrol sa mental state ko for three months again. I ranked 5th, not what I am expecting. I knew I can do better, for fck's sake.

Actually, kanina ko lang narealize na may solipsism syndrome pala ako, noong sinabi ng nanay ko na wala akong pakialam kung minsan. Tipong on-off ako. Minsan, sobra kung makialam, madalas, wala pakialam.

Akala nga ng best friend ko, DID ang mayroon sa akin (which is partly true). Nakarecover lang ako after series of consultations.

So... that is basically the reason as to why my characters are like that. Kapareha ko lang.

Di ko alam kung kailan ulit ako aatakihin pero sana naman, wag muna sa pasukan.

Wala akong pakialam kung may magbabasa nito. Argh. Here we go again.

ReeleontologyWhere stories live. Discover now