The title says it all and this is what the lesson is all about. Hindi literal na malakas. Ang ibig kong sabihin ay ang karakter na tatatak.
Tips lang ito. Hindi principle kaya nasa sa inyo kung gagawin niyong guide. Oh well, leggo.
•Have a character guide.
Isulat mo sa isang papel ang lahat ng katangian niya. Kulay ng buhok, height, complexion, kung paano manamit. Ikaw ang bahala. Isama mo ang birthdate kung sakaling kailanganin.
Lagyan mo kung anong ugali ang mayroon siya. Kung mabait, ipakita mong mabait. Kung gwapo, ipakita mong gwapo nga siya sa pamamagitan ng pagpapaliwanag.
"Ako nga pala si Oh Sehun, poker-faced may abs, mayaman, playboy dahil 'yun naman parati kong role sa fan fictions."
Cringe. Gaya nga ng sinabi ko noon, mas gusto ko ang show kaysa sa tell. Kapag ganyan ang intro na nababasa ko, agad na magdadalawang isip ako. Depende na nga lang kung Humor ang sinusulat mo at natural na kalokohan ang trip ng nagsulat. Tipong sabaw din ang utak tulad ko.
On the serious part, informal siya sa totoo lang. Kasi, binibreak niya ang 4th wall (gonna discuss it when I have time) o ang di maiwasang pakikipag-usap ng karakter sa may-akda.
•See him as your ideal guy/girl.
Lalo na kung bida. Ibigay mo na lahat. Fiction ito, isagad mo na. Lahat ng gusto mo, isulat mo na. Tipong mangingisay ka sa kilig lalo na kung ini-imagine mong siya ang magsasabi ng mga linya sa'yo.
•But always remember that he has flaws same as each and everyone of us.
Hindi pupwedeng puro magandang katangian lang. Walang taong perpekto. Kung yung ideal man mo nga in real life ay imperfect, siya pa kaya?
•Principles. Yeah, principles.
Tandaan mo kung ano ang paninindigan niya sa buhay. Gawin mo siyang malalim na tao. Parang ikaw lang. Lahat ng paniniwala mo, ilipat mo sa kanya.
Hindi kasi sapat na gwapo at may abs lang, dapat, may utak at prinsipyo. Hey Sehun of Stranger!
•Make his words mark.
Tipong kahit ilang fan fiction/novels pa ang mabasa ko, matatandaan ko pa rin ang bawat salitang kanyang sinambit. Klase ng mga salitang babaon at di nadaling makalimutan. Kung kaya't pag-isipan kung paano siya magsalita. Tandaan, reflection niyo siya. Wag niyo akong tularan.
And hey, reminder. Magmumura ka na lang, diretsuhin mo na. Fvck, fck, f*ck. Kahit ano pang ginamit mo, nagmura ka pa rin. Ika nga ng idol ko, gagawa ka na nga lang ng kasalanan, itodo mo na.
•Don't make him a girl on a monthly period.
Utang na labas. Huwag niyong palambutin ang mga salita niya. Gaya ng sinulat ko noon, 'wag mong paghaluin ang Ingles at Filipino.
"I don't like you na. You can go now and wag kang magpakita sa akin."
Cringe. Again. Aminado akong bxb writer ako pero utang na labas. Di lahat ng gay na kilala ko, ganyan magsalita. Well, matatas silang managalog at mag-Ingles. Heck. Nagbi-bekimon lang sila pag katuwaan na.
You see, huwag mong gawing conyo na beki ang karekter. Nakakalalaki po kasi.
•Research.
Pag may sakit siya, iresearch mo.Pag may disorder, iresearch mo. Gagawa ka na lang story, di mo pa bonggahan ang detalye.
Yung Lupus ni Trace, sumakit ulo ko dun. May tinanong talaga ako doon. Kaya kayo, tandaan niyo na may Google na pwede niyong magamit.
•Write it in your own way.
Kung 3rd person's POV, mas magiging mysterious ang karakter. Kapag 1st person's mas makikilala mo siya.
•Make him stand out.
Isipin mo kung paano siya naging iba mula sa ibang character. I am proud to say that Sehun from Hang-up is somehow different to the other Sehun out there.
Yan muna. Nilamon na ako ng GE eh. Gonna update this when I have time.
YOU ARE READING
Reeleontology
Random► Random stuffs about sa sarili ko na alam kong wala namang paki ang mambabasa.