Tip 101: Update? When?

18 2 0
                                    

Kailangan ka nga ba dapat na mag-update? Kapag naabot mo na quota mong reads? Comments? Votes? Kapag may time ka na? Kapag inspired ka na?



Una sa lahat, tanungin mo ang sarili mo kung bakit ka nga ba nagsusulat.
Kung nagsusulat ka para humatok ng votes, comments at reads, malamang ay isa ka sa mga writer na gustong maging sikat dito sa Wattpad. Sikat in a sense na may solid fan base ka.

I am not saying that it is a bad thing. Aminin mo man o hindi, masaya na maraming nag-aabang sa update mo. Mas nakakainspire na magsulat kung alam mong may babasa. After all, books were created for us to read it.

Kaso nga lang, may downside din ang pag-e-expect. Lalo na kung di mo na-achieve ang quota mo.

EX.

AN: Gonna post the next chap for this story kapag naka-2000 votes na. Chuchuchu~~~~

After some time...

AN: Di na-achieve ang goal ko pero nag-UD pa rin me. 1999 votes for next chap ah?

Mahirap 'yan, sa totoo lang. Mahirap mag-expect. Sa huli, mapapahiya ka lang pag di mo naabot ang quota. Nasa sa iyo naman kung gusto mong magset ng goal dahil ikaw ang may-akda. Mambabasa lang kami. Pero kung sobrang extreme ng trip mong quota, sorry dahil paniguradong maraming maiinis sa'yo. (Hearts ebriwer)

•Write when you have spare time.

Kapag wala ka namang ginagawa, bakit di mo iupdate? Imbis na gumala ka o magbrowse lang phone for hours doing nothing, bakit di ka magsulat? Sayang ang oras.

Gusto mo ba talagang magsulat? Pwes hindi kusang magtatype ang keyboard para sa'yo. Ikaw mismo ang gagawa para sa sarili mo.

Maraming gustong magsulat pero walang oras samantalang ikaw, nagsasayang lang. Sayang.


•Write it even though it is just a simple idea.

Sayang lahat ng ideya na papasok sa utak mo kung hindi mo isusulat. Kahit paunti unti lang. Kahit isang paragraph lang muna. Kasi sa oras na makalimutan mo 'yang ideya na 'yan, di mo na maibabalik kahit na anong gawin mo (Bob Ong related quote).

Observe. Kunwari, nadapa ka, ilagay mo sa story mo o ikonekta mo. Marami kang makukuha sa simpleng pag-oobserba.

Isang halimbawa ay ang part nung first date nina L at S. Nagshooting kasi kami sa Kapitan Moi, sa Marikina at nirentahan namin for 4 hrs. Naisip ko lang iyon nung pahiga na ako. Same goes for the scene na gumamit sila ng calculator. Naalala ko kasi ang lesson namin noon sa Permutation at Combination kaya nasama sa story.

Lahat ng sinusulat ko, nakukuha ko lang out of observation. Trust me, mas effective siya kung ikaw mismo ang nakasaksi. Tsaka, mas maipapaliwanag mo yung detalye since kasali ka.

•Write when you feel like writing.

Hindi mo mapipilit ang sarili mo na mag-update. Kahit anong pilit mo, if you can't put it into words, you'll end up nothing. Kaya nga dapat mong i-jot down miski simpleng ideya para may maging guide ka. Magugulat ka na lang, maipagdurugtong mo ang mga iyan.

Hindi ka rin makakapag-isip ng maayos kung under pressure ka. Bukod pa doon, kapag tambak pa ang gawain mo, mas lalo kang mahihirapan, but then again, maraming iba na gustong gusto magsulat kahit walang time. Be like them. Isip lang ng simpleng ideya kahit na may ginagawa ka.

Other than that, don't write when you hate writing in the first place.

Hypo much? Ayaw mo pa lang magsulat, gumawa ka pa ng story. Para ano, para masabi lang na writer ka kuno?

Hijo, hija, may iba diyan na nag-aaral ng Creative Writing na passion talaga ang pagsulat samantalang ikaw... kaunting respeto po.

Kung sisimulan mo, tapusin mo kahit taon pa ang abutin niyan. Basta balang araw, masasabi mo sa sarili mo na, "Ah! May natapos din ako kahit puchu-puchu lang at mali mali ang wordings."

Balang araw, mababago mo rin yang errors mo tapos aayusin mo nalang. At least, may natapos ka. Pero di ko naman sinasabi na magsulat ka talaga ng sobrang bara bara. Tipong walang patutunguhan at di talaga maiintindihan ng mga taong ang IQ ay 120.

Tulad ko, I am not yet satisfied with the wordings and the word count itself so I am not yet updating. Inabot na ako ng ilang linggo pero wala talaga. Samantalang noong sa nauna kong stories, mabilis ang ideya.

Nasa sa iyo kung kailan ka dadaupan ng inspirasyon. Pwedeng bago ka matulog o kaya naman, maliligo ka na. Kung siswertehin, baka mabilis lang pero kung wala, wala talaga.

Currently, I am under pressure. Spare time lang ito.

Good night!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Good night!


ReeleontologyWhere stories live. Discover now