Rebel and Fortress

21 1 0
                                    

Despite of my frickin' schedule, nagawa ko pa talagang mag-rant. Haha. Kakabukas ko lang ng book ko sa Analytic Geometry at may mahaba kaming quiz bukas pero wala eh.

Anyway, duology lang talaga plano ko sa storyang 'to. As in Duology. But then again, walang hustisya ang kwento kaya umabot na sa puntong naisip kong gawing trilogy. Kung di ba naman ako nasiraan ng bait ano?

Sa totoo lang, ang RF Trilogy talaga ang kinabaliwan ko at hanggang ngayon ay kinababaliwan ko pa rin. Roller coaster ride ang nangyari sa akin. Alam mo yung feeling na ang daming nagdisband na group, may mga umalis (I am still bitter about this) at sandamakmak na personal problems. Idagdag mo pa ang fcked up schedule ko. Mon-Sat classes is a total mess. Bukas, gigising ako ng 6 tapos uuwi ng 8. Ang saya saya at di lang yun, Math at OC lang ang subjects at tuloy tuloy. Imagine-in mo na lang na 5 hours kang nakikinig ng discussion sa Math. Hayerf. Puro numero.

Hindi rin nakatulong na sobrang dami kong kinakabisado. Yes. Memorizing ang strategy ko kasi sabog lahat ng professors ko. Ilan lang ang matino. I am aware that it is the lowest form of learning but can you blame me?

Minsan lang ako dapuan ng idea kapag nakadungaw ako sa bintana. Ngayon, para bang wala na akong time na planuhin pa ang scenes. Naisipan ko na talagang sukuan ang kwentong 'to pero nung kinausap ako ng kapatid ko, narealize ko na dapat ko pa lang ituloy.

Nakakaloka lang kasi para sa akin, ang babaw pa ng kwento. Ang babaw in a sense na miski ako ay nafufrustrate. Trust me, ingat na ingat ako sa plot nito dahil ayaw kong gumawa ng plot holes.

Di pa nakatulong na puro kaartehan mga nakakasalamuha ko sa classroom. In love na daw sila, first day pa lang. TF. ANG BABAW NAMAN NG PAGPAPAKAHULUGAN NILA SA LOVE.

Nahiya naman characters ko 'no?

Pero seryoso. Ang gague lang na ginawa ko yung character ni Maye ta's di ko napanindigan.

Haish. Sana naman ay hindi pa rin magsawa ang mga nagbabasa ng RFT (kahit ako mismo'y nagsasawa na). Oh well, susubukan kong pagandahin ang RFT. Kapit lang ah?

ReeleontologyWhere stories live. Discover now