Lesson 101: Abuse everyday, everyday okay!

30 4 1
                                    

Bentang benta sa Romance Genre / General Fiction ang abuse plot chenelyn. Miski dito sa Fan Fiction World ay gan'on din.

Hindi ko sinasabing wag ka nang GUMAWA NG STORYA NA GANITO ANG PLOT. TIPONG INAABUSO SI BIDA NG ASAWA DAHIL GANITO CHUCHU. Ang sa akin lang, ineng, hijo, bago kayo gumamit ng ganyang plot ay siguraduhin mong mapaninindigan mo.

Instead of ranting, magbibigay ako ng tip kung paano magiging mas makulay yan. Kahit ba sabihin mong halos magkakahawig ang plot niyan—I-check mo ang ibang stories ng Sizzle brand under Summit Media—ay nagiging mabenta ito. Kung bakit? Kasi iba iba ang stratehiya ng manunulat kung paano sila gumagawa ng atake.

Heto ang mga tips ko para mas maging effective ang plot niyo kahit na hindi ako magaling dito. Base lang 'to sa nababasa ko. Okay?

1. Tandaan mong may pinanghuhugutan ang pang-aabuso. Di mo pwedeng sabihin na trip mo lang para masabing cool. 'Langhiya! Let's put it this way, kung bugbugin ang nanay niyo ng tatay niyo dahil trip trip lang, matutuwa ba kayo? Dafak. Be realistic people. Wag niyong gawing katawatawa ang mga lalaki at gawing kriminal samantalang punching bag ang babae. Please lang!

Wag kayong gumawa ng storya kung gusto niyo lang maglaro o di kaya nanggagaya ng iba para lang sumikat. #SaveLiterature. Lol.

2. DAPAT ANG RASON AY MAKATOTOHANAN. Anak ng tutsa. Binugbog mo dahil trip mo? Binugbog mo dahil nawala ang spark? Binugbog mo dahil napapanood mo sa tv?

Kadalasan, ang rason ng pambubugbog sa isang Wattpad novel ay dahil sa selos.

Lagyan mo ng emosyon. Dapat, damang dama mo ang bawat eksena. Hindi puro boogsh at pak ang gusto kong basahin 'no.

Sorry if I might offend you, pero kasi, nag-aalangan ako pag nababasa ko yan. After all, mas gusto ko ang show kaysa tell.

Pag sinampal, sinampal. Hindi Pak! Okay po? Kung gagamitin mo man yan, pakipaliwanag po na sinampal siya. Okay?

Nakakabawas po kasi ng dating. Imagine-in mo na lang na Gangster-themed story tapos ganito ang mangyayari:

EG.

*boogsh
*pak
*blag
*pak

At natalo na namin ang mga kalaban!

_

Peeps! Nasaan ang descriptive diyan?

Dapat, ganito.

"Aahck!" Napahiyaw siya sa sakit ng sipain ko ang tiyan niya.

Pak. Di pa nakuntento at pinuntirya ko ang mukha niya ng sunod sunod na sampal.

Way better, right?

3. Ipakita mo kung paano nagbago ang ugali ng asawa niya.

Susmariya Marimar! Minsan, nakakaligtaan 'tong gawin ng iba. Sasabihin na nagbago ang asawa niya pero di niya alam kung bakit. Pati author, di rin alam kung bakit.

Basta ba naisip na lang mang-abuso kaya ginawa na.

Bros, isipin mong mabuti kung bakit ba siya nagbago. Dahil na fall out of love? Dahil sa problema sa trabaho? Ipaliwanag mo nang maigi sa mambabasa mo. Mahirap kasing tanggapin ang resulta kung walang rason.

Para ka lang baliw na bigla na lang magagalit ng walang dahilan.

4. WRITE IT LIKE A BOSS.

Kapag sinasaktan ka, magsistay ka pa ba? E paano kung paulit ulit? Magpapakatanga ka ba o hindi? Magpapakamasokista ka ba o hindi?

Ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ng tauhan mo. Kung ayaw niya na, pabayaan mo tsaka ka gumawa ng ibang atake.

Eh paano sila magkakatuluyan ng isa pang bida kung susuko siya agad? Kung mahal mo, ipaglalaban mo!

Ateng, koyang, e pano kung sabihin kong halos mamatay ka na sa pangmomolestiya niya, tatanggapin mo pa rin ba? May limitasyon ang bawat karakter. Lahat sumusuko. Pwedeng sabihin mong hindi sumuko ang iba, pero aminin mong nagpahinga sila.

Dude, ikaw ang nagsusulat. Dapat ay alam mo kung ano ang pakiramdam ng tauhan mo. In that way, mas madali mo siyang makokontrol. Kaya mo nga siya nilikha di ba? Kasi salamin mo siya.

Pero kung mismong siya ay di mo kilala, aba, awat na.

Sarili mo rin ang gagamitin mong ugat ng lahat kaya naman maging realistic ka. Wag mong hayaang maging manhid ang karakter mo.

Tandaan mo, nasasaktan man siya, lalaban pa rin. Pero itatak mo rin aa kukote mo na napapagod din siya.

5. Panindigan mo ang karakter mo.

Dito madalas bumabagsak ang mga author pagdating sa heavy drama stories.

Why? Kasi tulad nga ng nabanggit ko nung una, isang sorry lang, mapapatawad agad, nagbago na agad ang ugali niya? Na uh!

Hindi pwedeng mabait ang bida tapos nang naglayas, mabait pa rin at mabilis mapapatawad ang asawa. Aminin mo man o hindi, kung ikaw nasa sitwasyon niya, magbabago ka. Mas magiging matalino ka.

Tsaka yung mga lalaking magmamakaawa para lang balikan ng asawa tapos tuloy tuloy na ang sweetness? Ala ka! Kapag may tililing ang tao, di agad yun mababago. Kahit ilang beses ka pang maglayas, kung hindi maayos ang pag-iisip niya, wala rin.

Hindi pwedeng magbago ang karakter in an instant. Kung may saltik siya at mabilis magalit, panindigan mo hanggang huli. Di pwede na agad siyang magiging mabait dahil lang natatakot siyang iwanan ng asawa niya. May phase yan, repa. Paunti unti.

Tsaka mas sweet kung unti unti siyang nagbabago sa tulong ng asawa/kapareha niya di ba? Tipong you and me against the world lang. Lol.


6. Take it slow.

Wag mong madaliin ang bawat detalye. Wag mong apurahin ang karakter. Tulad nga ng sabi ko sa number 5, dahan dahan lang po.

Hindi pupwedeng isang sorry lang, mapapatawad na siya. Di pwedeng isang linggo lang, naghilom na ang sugat sa isang karakter. It takes time people.

Tsaka ingat din sa interval ng chapters, ah?

Just like you. It takes time for you to come up with a satisfying plot but trust me, it'll be all worth it. :)

Yan muna sa ngayon!
Jia You! Keep writing! 사랑해!

ReeleontologyWhere stories live. Discover now