Scripted Life.

11 1 0
                                    

My whole life is a film, a scripted one.

Natawa ako sa mga sagot ko noong admission sa instution. Well, it goes like this.

GC: Why (name of the institution)?
Me: Kasi po gusto ng parents ko.
GC: Why STEM out of all strands and tracks?
Me: Kasi gusto po ng parents ko.
GC: Why Industrial Engineering?
Me: Kasi po gusto ng parents ko.

It's true. Since elementary, pressured ako. Sobra. As in. Mi ultimo kumakain ako, nag-aaral ako. Nagtutupi ako ng damit, nagbabasa ako ng libro. Alas dose ng gabi, nagkakabisado ako.

Tapos nung hindi ako naging Salutatorian, which is not expected since I am consistent on the second spot, they blamed me.

Sinagot ko nang, "Pinpressure niyo kasi ako. Lagi na lang."

And my Mom answered, "Sino bang nagsabing pinipressure ka namin? Ikaw lang gumagawa niyan sa sarili mo."

I was like, Mom, kung di niyo pinagmamalaki sa lahat ng kakila mo na achiever ako, kung hindi ako kilala bilang straight-A student ng mga kamag-anak natin, kung hindi lang natin kailangan ang scholarships para makabawas ng gastos, di sana, di na lang ako nag-aral ng mabuti. Susme.

Madalas pa niyang punahin ang English ko because I am always pretending to be dumb. I am trying to get their attention dahil parati silang disappointed sa akin.

Mas mahirap pa lalo sa iba kong kapatid. My sister told me how pressured she is on the situation. Madalas niyang sabihin na tinatamad siyang mag-aral kaya hindi siya nagdadala ng reviewers sa bahay a day before exams. Pero wala eh, matataas pa rin ang grades niya. Di siya bumabagsak. She finished elenentary as the class valedictorian, though. Tapos ngayon, dini-demand sa kanya na itaas pa niya ang rank niya. From being 2nd, she has to be the #1 next year. For that, halos sumpain na ako ng kapatid ko. Masyado ko daw tinaas ang standards ng parents ko. Eeh nung yawn.

While the other one, my brother, wala siyang pakialam. Though nasa honorary roll siya noong elementary, my parents are mocking him because they that it is based on pure luck. Miski ako, aminado. Hindi naman kasi gaanong matatalino ang mga kaklase niya so I get it.

Tapos nung nasa middle school siya, nalaglag siya sa top 5 pero pasok siya sa 10. Simpleng estudyante lang naman siya eh. Pero kapag ikukumpara na siya sa akin, maluha luha na 'yon. Hindi niya daw kasing pantayan yung nagawa ko. Kulang din siya sa sense of humor. Pero kahit na ganoon yun, tandem talaga kaming dalawa. Mabait siya kahit mukhang balloon sa sobrang laki ng ulo. Literal. Hehe. Love you, bro.

Hay buhay. Kailan kaya sila titigil? Siguro pag nag-Law si Ali, nag-Comp. Engr. si And tapos maging rank one si An-an. O baka pag sa UP-D na ako nag-aaral? Hahaha.

Buti na lang at hindi nila pinapatanggal ang pictures ni Lu dahil duh! Baka mas lalo akong mawalan ng gana mag-aral. Choo.

Yeah. Whatever.

ReeleontologyWhere stories live. Discover now