Ru? Lu.

20 2 1
                                    

First day. Di ka noon pumasok. Though naririnig rinig ko na ang pangalan mo mula sa mga kaklase natin.

Third day. Doon ka nagpakita. Pang-lasing ang boses mo, skinny ka, para kang lumaklak ng gluta sa sobrang puti mo, singkit ka, matangkad at kung kumilos ay tamad na tamad. 'Yan ang observation ko sa'yo.

First quarter exams. May babaeng nagpapansin sa'yo sa may corridor. Gustong gusto ka niya pero most likely ay hindi siya ang tipo mo. Di ako judgemental pero malayong magkagusto ka sa kanya dahil sa hitsura mo. Nagpapicture siya sa'yo kaya mas lalo akong nacurious sa kanya.

Second quarter. Ni-stalk ko ang babaeng iyon. Nalaman ko rin kung gaano ka niya kagusto kaya naman ni-stalk din kita para malaman kung ano bang meron sa'yo.

Mid-October. Naging seatmates tayo sa Biology. Este parati mo pa lang hinahatak ang upuan mo sa pwesto ko dahil nasa aisle ako at para mas marinig mo ang lessons. Doon na nagsimula ang inis ko sa'yo dahil ang yabang mo.

Sinabihan mo akong dagdag lang sa kompetisyon dahil naging kalaban mo ako sa rankings. Tinalo kita ng ilang beses sa exams pagdating sa English at Math, pero sa Biology, parati tayong tie sa highest score.

December. Binigyan mo ako ng isang poster ni Lu Han para sa Kris Kringle. May photocards pa at poster ng SHINee.

Madalas mo silang tawaging bakla pero binili mo pa rin yun para sa akin.

Fan boy. Otaku. Gamer. Yun ka. Pareha tayo ng interes. Kaya mas lalo kitang nagustuhan.

Junior Year. Gustong gusto na talaga kita noon kaya nag-confess ako. Kaso sinabi mong ayaw mo sa commitment. Nagrerebelde ka pa sa parents mo. Inintindi ko. After all, alam ko ang kwento ng buhay mo mula sa mga piling tao.

Academic Week. Naging mag-MU ni M. Proud na proud ka pa noon dahil 1st place siya sa quiz bee at alam mo ba kung gaanong inis naramdaman ko nun? Kasi 2nd lang ako. 2nd sa puso mo. Haha. Tangna. Lalo pa nang nagsulat ka sa board ng Congratulations!

Sumali ka sa partylist ko nung election. Umasa naman ako na magiging close tayo. Ina ka. Haha. Tapos yun pala, kayo na. Bakit? Dahil ba sexy siya at famous? Namo ka! Hahaha.

Kaso, nagbreak din kayo. Di ko alam kung matutuwa ako sa rason kung bakit kayo naghiwalay. Kayo pa ni M noon pero nagpost ka ng pic kasama yung cosplayer na maraming followers sa FB. Karma tuloy. Niblock ka niya at naghiwalay kayo.

Ang bobo mo kasi. Mukha ka tuloy tanga nung PROM. Instead na magkasayaw kayo, may iba na kaagad siya. Pati ikaw, pinaasa lang nung cosplayer dahil kailangan din niya ng famous na jowa. Famous ka kasi. Dami mo ngang sinalihang pageant eh.

Nagrebelde ka pa. 'Yung dating kalaban ko sa top, nagmumurang syete ang laman ng card.

Natapos ang school year, nilipat ka sa Catholic School pero dahil siraulo ka, nilipat ka sa public school nung second quarter. Bali balita pa naging F-boy ka para lang sa skins sa LoL. Ganoon ka kaadik. Bangis. Saludo ako sa'yo.

Tapos nagpakita ka sa school last Feb habang nagka-calligraphy ako sa bulletin board. Kausap mo si Dad. Si Dad na minura ka noon gamit ang account ko kasi di ko magawa kahit pinaasa mo ako. Taragis. Si Dad na feeling tatay ko dahil sinasabi ko lahat ng kabaliwan ko sa'yo. Si Dad na tinawag akong tanga dahil sa ginagawa ko. Si Dad na alam na hanggang ngayon, may feelings pa rin ako at iniintindi niya.

Nanginig yung tuhod ko nang marinig yung boses mo. Kahit na sa likod lang kita, lakas pa rin ng epekto mo. Di ako makagalaw. Muntik ko pang mabitawan yung brush.

Kala ko ba, nakalimutan na kita? Di pa pala. Kasi hanggang ngayon, tanda ko pa ang taguring 44, na sa periodic table ay si Ruthenium. Lu na first syllable ng pangalan mo. Ginawa kong Lu dahil sa Japan, wala silang L. Tsaka di ba favorite mo si Lelouch? Rurushi ang Japanese name niya kaya ayun. Pinag-isipan ko pang mabuti. Tsaka yung posters na binigay mo, nakadikit pa rin sa dingding ng kwarto ko.

Ru? Lu. Hanggang ngayon, ikaw ang naiisip ko pag sinasabi ang Lu. Buti na lang, nandyan si Luhan.

Tapos ngayon, nalaman kong sa iisang institution na naman tayo mag-aaral. Same building pa. Baka magiging magkaklase pa tayo sa ibang subjects. At alam mo ba kung anong mas malupit? Doon din mag-aaral si M. Sama sama tayo. Masasaktan na naman ako hindi dahil pa rin gusto kita kundi dahil pinapamukha yun sa akin na pinaasa mo ako. Hahaha. Nyeta.

Talo na naman ako. Lagi naman eh. Pero pag nakahanap ako ng mas higit sa'yo, humanda ka! Di ka naman ganoon ka-kawalan. Sadyang naapektuhan mo lang ako ng sobra.

See you, Ru.

ReeleontologyWhere stories live. Discover now